^

PSN Showbiz

Writer ng Aba Nakakabasa na Pala Ako na si Bob Ong, masyadong misteryoso

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaka-misteryoso pala talaga ang book writer na si Bob Ong na author ng pelikula na ngayong Aba Nakakabasa na Pala Ako.
Kahit pala ang producer ng movie version ng libro, Viva Films, ay hindi nakilala ang nasabing writer ng libro.

Eh paano sila nakipag-negotiate para sa rights ng pelikula? “Sa email lang,” maikling sagot ng isang Viva Films insider.

As in hindi raw ito lumutang ever para maki­pag-usap. Either e-mail or may representative daw itong nakikipag-usap.

Sayang hindi tuloy naririnig ni Mr. Ong ang mga papuri sa kuwento niya nang maisalin ito sa pelikula.

Graded A rin ito ng Cinema Evaluation Board kaya hindi nakakatakang pinupuri-puri.

Bida sa movie version sina Jericho Rosales, Andi Eigenmann, Meg Imperial at Vandolph.

Ang sabi naman pseudonym lang ang Bob Ong o Roberto Ong na milyun-milyon na ang nabentang kopya ng librong Aba Nakakabasa Na Pala Ako, at hindi raw talaga nagpapakilala ang totoong nagsulat ng libro.

May hawak ng schedule ng aktor, sobrang higpit inirereklamo

Feeling hectic na hectic pala ang schedule ng isang actor. Aba ang hirap daw nitong kunan ng schedule para sa promo ng pelikula niyang ipalalabas. Ang strict daw ng handler nito na isa sa rason kaya ayaw na raw makipagtrabaho rito ng ibang kumpanya.

As if naman daw, abalang-abala ito at hindi na puwedeng magbigay ng basta-basta ng schedule.

Sana raw ay maging considerate naman ang mga tao sa paligid ng actor lalo’t para naman ito sa kapakanan ng kanilang alaga.

Piolo at Toni may special romantic surprise

Sumama sa panibagong adventure ng ASAP 19 nga­yong Linggo (Pebrero 9) sa pagpapatuloy ng makasaysa­yang ASAP Live in Dubai concert tampok ang never-before-seen videos ng ASAP Kapamilya sa Middle East.

Bukod sa exciting Dubai expe­rience ng Kapa­milya stars, maghandang kiligin nang todo sa Va­lentine’s treat ng ASAP 19 na pangungunahan ng Starting Over Again lead stars na sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Mas magiging espes­yal ang love month ng TV viewers sa handog na sorpresa ng mga bida ng hit primetime teleserye ng ABS-CBN na The Legal Wife na sina Angel Locsin, Maja Salvador, at Jericho Rosales.

Tiyal na titibok  nang mabilis ang puso ng mga kababaihan sa espesyal na harana ng ilan sa pinakatinitiliang Kapamilya leading men na sina John Lloyd Cruz, Sam Milby, Gerald Anderson, Luis Manzano, Enchong Dee, Enrique Gil, at Richard Yap.

Samantala, tiyak na mai-in love ang lahat sa ultimate Valentine concert na ihahatid nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Charice, Bamboo, Jed Madela, Erik Santos, Angelie Quinto, Yeng Constantino, Nikki Gil, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Zia Quizon, Klarisse de Guzman, Morisette Amon, at ng ASAP Sessionistas.

Humanda rin para sa non-stop na pasiklaban ng dance moves sa makapigil-hiningang ‘ASAP Supahdance’ showcase nina Kim Chiu, Shaina Magdayao, Julia Montes, Jessy Mendiola, Erich Gonzales, Rayver Cruz, John Prats, Iya Villania, Robi Domingo, Alex Gonzaga, at Cristine Reyes.

Saksihan ang isa na namang tagos sa pusong musical performance mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang pagbabahagi ng kwento ng international Pinoy fashion designer na si Michael Cinco.

Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng ASAP Live in Dubai TV special sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong samba­yanan, ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.                  

 

vuukle comment

ABA NAKAKABASA

ABA NAKAKABASA NA PALA AKO

ASAP

BOB ONG

DUBAI

JERICHO ROSALES

SHY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with