^

PSN Showbiz

Umamin Gretchen napilitan lang kampihan si Raymart

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Noon pang nabalita na lumalambot na si Claudine Barretto sa kanyang asa­wang si Raymart Santiago at nagbigay ng pahayag ang kanyang aboga­do na amenable sila sa settlement ay na­kaamoy na ng pag-asa ang lahat na pu­wedeng magkaroon ng magandang pagtatapos at kaganapan sa pagitan ng dating mag-asawa. Wala namang Pinoy ang hindi umaasam na maging mabuti ang relasyon ng dalawa. Hindi man sila magkasamang muli, at least, hindi na sila magiging magkaaway which augurs well for their two children, Sabina and Santino.

 Sa paglitaw pang muli ni Gret­chen Barretto na ipinaliwanag kung bakit niya kinampihan ang kanyang “bayaw” sa usapin nito sa korte sa halip na ang kanyang kapatid. “Pina­tawag ako ng korte. Napilitan akong mag-come out at pumir­ma sa affidavit against my sister para sa sarili kong depensa. Wala na akong maisip na pa­raan para maisalba ang mga pamangkin ko, mga anak nila, kapag nakulong si Raymart. Maaaring mali ito at hindi tanggap ng marami pero ’yun lang ang paraan na naisip naming magkaka­patid,” umiiyak na sabi ni Gretchen sa kanyang TV interview.

Inamin din nito na ang ka­guluhan sa kanyang pa­milya ay naranasan na niya sa kanyang murang gulang at bagama’t masakit at na­kahihiya, sinabi nito na to­toong magulo ang naging buhay nila ng pamilya niya.

Mariel hindi na puwedeng gumawa ng pelikula

Talagang sa TV hosting lang puwede ang byuti ni Mariel Rodriguez. Lubhang napaka-seloso ni Robin Padilla para payagang mag-pelikula ang kanyang asawa at magkaro’n ng kaparehang lalaki. Kung ang pagkakaro’n ng anak ay hindi pa nila magawa dahil gusto pang masolo ni Binoe ang kanyang misis, ’yun pa kayang i-share ito sa ibang aktor? Aba, baka pagsimulan lang ito ng isang giyera mundyal sa pagitan nilang mag-asawa.

Payag si Robin na balikan ni Mariel ang kanyang pagiging TV host. Sa ganitong paraan nga naman hindi mawawalan ng panahon sa kanya ang asawa at madalas pa rin silang magkikita na hindi mangyayari kung mag-pelikula ito o tumanggap ng teleserye na inaabot ng magdamagan ang taping.

Maganda ang role ni Mariel sa Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak bilang fighting wife and mother of nine equally fighting children.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

KANYANG

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

RAYMART SANTIAGO

ROBIN PADILLA

SA NGALAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with