^

PSN Showbiz

Iza tinanggal sa serye ni Bea, sablay sa kontrata na dapat palang magbida

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nawala man si Iza Calzado sa cast ng Sana Bukas Pa ang Kahapon, busy pa rin ito sa rami ng gagawin. Kasama sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, magpo-promote sila ng pelikulang Starting Over Again ng Star Cinema na showing sa Feb. 12. May The Biggest Loser pa siya at marami pang iba.

Inalis sa cast ng soap ni Bea Alonzo si Iza dahil late nang nalamang naka-stipulate sa kontrata niya sa ABS-CBN na kung gagawa siya ng soap ay siya ang bida.

Nanghinayang daw si Iza dahil matagal na nitong gustong makatrabaho si Bea at payag nga siyang mag-cameo, kaya lang, dapat sundin ang kontrata niya.

Marian pinatitigil ng 3 months sa teleserye ni Direk Jay

Si Jay Altarejos ang napili ni Mother Lily Monteverde na magdirek ng pelikula ni Ma­rian Rivera sa Regal Entertainment, Inc. na may working title na One Great Love. Last week na kausap namin si Direk Jay, wala pa sa kanya ang script ng drama-romance kaya hindi pa nito alam kung sino ang babagay na kapareha ng aktres at kung kailan sisimulan ang shooting.

Tila malabo rin ang gusto sana ni Direk Jay na three months sila dapat tumigil ni Marian sa paggawa ng teleserye para mag-focus sa pelikula. Nasimulan na ni Marian ang Carmela na 16 weeks yata tatakbo at siguradong after Obsession ay bibigyan uli ng project ng TV5 si Direk Jay.

Sa presscon ng Carmela nabanggit ni Ma­rian na hindi muna siya gagawa ng movie sa early weeks ng soap niya pero ‘pag na­kagamayan na niya ang schedule, puwede na siyang gumawa ng movie. Kaya posible pa ring mapagsabay niya ang movie at taping ng soap.

Mamaya na after Adarna ang pilot ng Carmela pero hindi agad lalabas ang karakter ni Marian dahil si Mona Louise Rey muna ang mapapanood as the young Carmela. Mapapanood din si Ricky Davao as Carmela’s dad na isang pipi at bingi at nasagasaan ng tren dahil hindi narinig na parating ito.

Dominic nakapaglaro na parang bata sa trabaho

Hindi dream role ni Dominic Roco ang mentally-challenged role na ginagampanan sa Magkano Ba ang Pag-ibig? dahil mahirap gawin pero nagustuhan niya dahil ibinalik siya sa kanyang childhood. Nakapaglaro siya na matagal niyang hindi nagawa nga­yong malaki na siya.

Ang feeling ni Dominic, nagmarka sa viewers ang role ni Bobby dahil ginagaya siya ng tao na tumitingin sa itaas at ikinatuwa niya ito. Naniniwala rin siyang nagawa niya ang gusto ni Direk Maryo J. delos Reyes dahil never siyang kinagalitan nito o marami siyang take two.

Ang pinakamagandang bunga ng Afternoon Prime and playing Bobby for Dominic ay mas minahal niya ang kanyang trabaho.

After taping for a soap that runs for 20 weeks, Dominic is looking forward fo a vacation. Pero sana raw ay hindi magtagal ang kanyang bakasyon dahil gusto niyang tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.

Jessa excited mag-super bad

Excited si Jessa Zaragoza sa role niya sa Paraiso Ko’y Ikaw dahil first time niyang magkontrabida at hindi lang basta kontrabida dahil super bad siya rito. Naghahanda na si Jessa sa galit ng viewers sa kanya na mangyayari ‘pag lumalabas na ang karakter niya.

Ibinalita pala ni Jessa na si Ronnie Henares na ang bago niyang manager pero maayos ang paalam niya kay Arnold Vegafria kaya wala silang isyu. After eight years kay Arnold, gusto niyang i-try ang ibang management at si Ronnie ang nakita niya na kasama niya sa Pepito Manaloto.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

CARMELA

DAHIL

DIREK JAY

DOMINIC

JESSA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with