^

PSN Showbiz

Pakikiramay ng asawang nambugbog ni-reject ni AiAi

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nabugbog nang husto ang puwet ni Boobay nang umupo itong gangnamm sa Celebrity Bluff kasama si Jose Manalo.

Mga hot mommas ang maglalaban para sa kalahating milyon pisong jackpot na kinabibilangan nina Katrina Halili, Roxanne Guinoo, at Janna Dominguez.

PAK: Si Marian Rivera ang isa sa nagtagal sa huling gabi ng burol ng ina ni AiAi delas Alas.

Ayaw pa sana niyang magpa-interview dahil nandun lang naman daw siya para makiramay sa kanyang Ate AiAi.

Pero naikuwento ni Marian ang holiday vacation nila ni Dingdong Dantes sa Laos at tumuloy sila ng Hongkong.           

Nagpa-bless daw silang magkasintahan sa isang Buddhist temple bilang pasasalamat daw sa lahat na blessings na dumating sa kanila nung nakaraang taon.

“Sarap balikan mo ‘yung lahat ng blessings na binigay sa ‘yo ni Lord,” pakli ng Kapuso Primetime Queen.

“Yun naman talaga ang masarap sa buhay, after all sa lahat ng nangyayari sa buhay mo, masarap pa rin alalahanin at tanawin kung ano ‘yung mga biya­yang binigay sa ‘yo ng Diyos after ng isang buong taon na naman,” masaya pa niyang pahayag.

BOOM: Inihatid na sa huling hantungan ang ina ni AiAi delas Alas na si Gregoria Hernandez delas Alas sa Eternal Gardens sa Baesa, Quezon City.

Pero medyo maintriga ang huling gabi ng burol ng kanyang ina nang dumalo si Vice President Jejomar Binay.

Sinabi pa roon ni AiAi na si Binay na nga raw ang presidente niya sa 2016.

Ang isa pang napapag-usapan doon ay ang pagdalaw daw ni Jed Salang. Pero hindi raw mangyayari yun sabi ni AiAi dahil hindi pa raw siya handang makausap ito.

Gusto raw sanang pumunta ni Jed pero pinigilan na raw ito ng kanyang ama, kaya hindi na natuloy.

Sabi ni AiAi, on-going na raw ang proseso ng kanilang diborsyo pero wala pa raw resulta. “Hopefully, next week may balita na tayo,” pakli ni AiAi.

                                                               

vuukle comment

AIAI

CELEBRITY BLUFF

DINGDONG DANTES

ETERNAL GARDENS

GREGORIA HERNANDEZ

JANNA DOMINGUEZ

JED SALANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with