^

PSN Showbiz

Piolo makiki-Pasko sa Tacloban, Kimmy Dora ipapanood din ng libre

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabanggit ni Piolo Pascual sa isang interview na plano niyang pumunta sa Tacloban City, Leyte bago ang Pasko at baka sa mismong Christmas Day. Gusto lang daw niyang i-cheer sa araw ng Kapaskuhan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Naalala naming narinig na tsika na balak ng mga producer ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na dalhin sa Tacloban ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry at ipalabas doon ng libre, Christmas gift nila ito sa mga taga-Tacloban at ibang taga-Leyte na gustong mapanood ang last installment ng Kimmy Dora.

Isa si Piolo sa producer ng Kimmy Dora kasama sina direktor Joyce Bernal, Erickson Raymundo, at iba pang taga-Spring Films na for sure ay nag-agree sa balak na ito ni Piolo.

Dahil walang sinehan sa Tacloban, magdadala ang taga-Spring Films ng big screen, projector, at iba pang kailangan para maipalabas ang pelikula. By this time, nakahanap na siguro ng venue ang mga producer kung saan ipalalabas ang Kimmy Dora sa Tacloban.

Justin Bieber na-solo ng TV5

Present ang ilan sa Smart endorsers sa meet-and-greet ni Justin Bieber na bigay ng PLDT at TV5 kaya nasa Edsa Shangri-La Hotel sina Anne Curtis, Janine Curtis-Smith, at Rico Blanco. Kaya pala may tweet si Anne na na-meet niya si Justin Bieber at pinasalamatan sa pagtulong at pagpunta sa Tacloban City.

Sabi pala ng TV5, kahit may coverage ang ABS-CBN at GMA 7 sa pagpunta ni Justin sa Tacloban, sila lang ang may exclusive interview dito. Ang interview at kabuuan ng Tacloban visit ay mapapanood sa isang special na ipalalabas sa Dec. 21, after ng Killer Karaoke ni Michael V.

Tiya Pusit idinenay na hiwalay na sa bagets na dyowa, ipinakita pa ang text na nanghihingi ng allowance

Nakita namin si Tiya Pusit sa taping ng Akin Pa Rin ang Bukas at itinanggi nito ang balitang hiwalay na sila ng 27-year-old boyfriend niyang si Nathan Villa. Sila pa rin daw at nasasaktan ang nobyo sa tsikang ginagamit lang siya para makapasok sa showbiz. Pero totoo raw na gusto nitong makapasok sa Pinoy Big Brother.

Sabi ni Tiya Pusit, nasasaktan ang BF sa tsismis na ginagamit lang siya para makapag-showbiz at sinasabihan niya itong ’wag magbasa para ’di masaktan. Pinaalalahanan din niya ito na nasa showbiz siya at ’di maiwasang maintriga.

Para patunayang sila pa rin ni Nathan, ipinabasa sa amin ni Tiya Pusit ang text nito at nalaman tuloy namin na “Mi” (for mommy) at “Di” (for Daddy) ang kanilang terms of endearment. Text pa nito, pupuntahan siya ni Tiya Pusit para ibigay ang allowance nito.

Samantala, hindi pa in-announce, pero extended ang Akin Pa Rin ang Bukas at sa halip na December, aabot ito ng January 2014. Wish ni Tiya Pusit at ni Glenda Garcia na rin, makasama sila hanggang sa extension para happy ang Pasko nila.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

ANG KIYEMENG PREQUEL

ANNE CURTIS

JUSTIN BIEBER

KIMMY DORA

SPRING FILMS

TACLOBAN

TACLOBAN CITY

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with