^

PSN Showbiz

Bea natuto nang magbilang ng blessings

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang guma­wa ng isang bagong tele­serye si Bea Alonzo sa susunod na taon.

“Meron sa January na soap opera pero niluluto pa lang siya ngayon. Hindi pa namin masyadong pinagtutuunan ng pansin because of what happened (bagyong Yolanda) pero nagkaroon kami ng meeting before Yolanda happened. Sa January yata kami magro-roll,” nakangiting bungad ni Bea. Kapansin-pansin ang pagiging blooming ng aktres ngayon at ayon sa kanya ay dahil daw ito sa positibong pananaw sa buhay.

“Parang everyday of my life now I have learned to count my blessings dahil sa mga nangyari sa iba. Minsan nga sinasabi ko parang napakasuwerte nating tao, napakasuwerte kong tao na parang everything in my life right now, parang sobrang okay. ’Tapos mapapanood mo sa TV alam mong hindi okay ang buhay nila, nawalan sila ng mahal sa buhay. Kaya siguro ganito ang pakiramdam ko ngayon, ganito ’yung aura ko ngayon because I have learned to count my blessings,” paliwanag ni Bea. Samantala, hindi na rin nagpapaapekto ang dalaga sa mga intrigang ibinabato sa kanila ng kasintahang si Zanjoe Marudo partikular na ang tungkol sa diumano’y pagkakaroon nila nang hindi pagkakaunawaan at nauwi raw sa hiwalayan.

“Ewan ko ba, baka gusto ng mga tao na naghihiwalay ang mga tao. Hindi ko rin alam kung bakit kami nai-issue. Wala nga kaming gano’n eh. Okay nga ’yun para magka-spice. It doesn’t affect us anymore. Wala na ngang selos-selos eh. Nakakatawa,” nakangiting pahayag ng aktres.

Juris gusto nang magbuntis

Magdadalawang taon nang kasal ang singer na si Juris pero hanggang ngayon ay wala pa ring anak ang singer. Pinaplano na raw ni Juris at ng kanyang asawa na magkaroon ng pamilya sa susunod na taon.

“Okay naman kami. Gusto naman namin siyempre kapag dumating. Sana biyayaan kami na isa sa mga couple na magkakaroon ng anak. Ipag-pray n’yo kami. Siyempre kasama ’yun ngayon na family na kami. Feeling ni God ready na kami. We’re just waiting,” pahayag ni Juris. “Siguro noong una, kami, parang huwag muna, enjoy-in muna natin. Pero more on bahala na lang kung anong mangyari. Part siya ng plan siyempre. Marami namang three, four, five years bago magkaanak. Kung para sa iyo, para sa iyo,” dagdag ng singer.

Kung sakaling magbubuntis na si Juris ay magkakaroon ng kaunting pagbabago sa kanyang mga ginagawa bilang singer.

“’Yung manager ko naman we talked about it. Kumbaga nag-a-adjust ’yung schedule ko rin talaga. Kumbaga hindi puwedeng hindi i-prioritize ’yung per­sonal life right now. Kasama na rin do’n ’yung you want to be healthy and huwag masyadong magpuyat,” giit ni Juris. Reports from JAMES C. CANTOS       

  

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

KAMI

KUMBAGA

SA JANUARY

WALA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with