^

PSN Showbiz

Megan, Anderson, Rob, at iba pang beauty queen bibigyan ng ‘Star’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Taun-taon sa tuwing sumasapit ang December 1 ay nagiging tradisyon na ng movie and TV icon at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno na mag-launch ng mga karagdagang pa­ngalan sa kanyang master plan na mala-Hollywood style, ang Stars Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City. Come December 1 at 5:00 p.m. ay ilang kilalang personalidad na naman ang muling pararangalan na mapasama ang kanilang panga­lan sa Stars Walk of Fame na pangungunahan mis­mo ng Miss World na si Megan Young na du­­­mating sa bansa kahapon, November 27 para bisitahin ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at Palawan. 

Bukod kay Megan, makakasama rin ang ilang pangalan ng mga beauty queens noon tulad nina Margie Moran, Melanie Marquez, Gemma Cruz-Araneta, at Stella Marquez-Araneta. Pararangalan din ni Kuya Germs ang CNN TV news anchor na si Anderson Cooper sa malaking tulong nito sa kanyang live report mula mismo sa sentro ng bagyong Yolanda sa Tacloban City na naging daan para tumulong ang iba’t ibang bansa at mga international communities sa mga sinalanta ng bagyo. Kasama ring pararangalan ang Fil-Am Hollywood actor na si Rob Shneider along with other local celebrities tulad nina Toni Gonzaga, Joel Torre, Jamie Rivera, at iba pa.

Sa totoo lang, si Kuya Germs lamang ang nakaisip ng ganitong pagkilala sa mga kilalang  perso­nalidad na malaki ang naiambag sa Sining Pilipino.
​ “Ipagpapatuloy ko ang gawaing ito hanggang buhay ako at kaya ko pa,” pahayag ni Kuya Germs na 50 taon na ang ginugol sa industriya.

Mark at Ynna palagi pa ring magkabuntot

Marami ang nagsasabi na posible pa ring magka­balikan ang dating magkasintahang Mark Herras at Ynna Asistio dahil kahit matagal na silang hiwalay ay na-maintain ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan hanggang nga­yon. Kahit break na sila, tuloy pa rin ang kanilang communication at madalas pa rin silang magkita. Magkasama ang dalawa na dumalo sa 1st birthday party ng anak ni Yasmien Kurdi at asawang si Rey Soldevilla na si Ayesha. Siguro, hangga’t wala silang ibang bagong partner ay patuloy silang makikitang magkasama. Bakit hindi na lang kasi sila magkabalikang muli?

Nadawit ang pangalan ni Ynna sa break-up nina Cristine Reyes at Derek Ramsay na tumagal lamang ang relasyon ng isang buwan. Ito’y parehong klinaro nina Derek at Ynna na wala itong ka­to­to­ha­nan dahil matagal nang kaibigan si Derek ng pa­milya ni Ynna. Sinabi rin ni Cristine na walang third party sa pagitan nila ni Derek sa break-up na nangyari sa kanila. Si Mark naman ay unti-unting ini-link ngayon sa kanyang ex-GF na si Jennylyn Mercado na muli niyang makakatrabaho sa bagong serye ng Kapuso Network, ang suspense-drama na Rhodora X.

Miss China mahusay ang PR

Kung kami lamang nina Lhar Santiago, Jojo Gabinete, at Anaheim-based concert producer na si Tito Al Chu ang masusunod, panalo sa amin ang Miss Earth-China na si Lisa Xiang Yang bilang Miss Congeniality o Miss Friendship dahil sa pagi­ging sob­rang warm at friendly nito, although friendly din naman ang ibang kandidata ng Miss Earth 2013.

Personal naming nasaksihan ang pagiging ever-friendly ni Lisa ng Shanghai, China nang ito’y du­­mayo sa Toki Japanese restaurant last Monday para sa late lunch with other candidates. Kahit busy sa pagkain at kuwentuhan ang ibang kandidata, tumatayo si Miss China para lapitan ang ibang bisita at custo­mers ng Toki. Kay Lisa mismo namin nalaman na isa pala siyang TV personality sa kanyang bansa at nag-volunteer pa itong maging guide namin sakaling naisin naming dalawin ang kanilang lugar sa Shanghai.

vuukle comment

ANDERSON COOPER

COME DECEMBER

DEREK

KUYA GERMS

MISS CHINA

SHY

STARS WALK OF FAME

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with