^

PSN Showbiz

Ini-inject na gluta mas effective

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karamihan sa problema ng mga tao pagdating sa pagiging maganda ay nag-uugat sa iba’t ibang uri ng isyu sa balat. Dahil dito, marami ang walang kumpiyansa sa sarili at lumabas na suot ang mga gusto nilang mga damit.

Kahit madaling masabi at makita ang mga senyales na may problema ka sa balat, alam mo ba kung gaano kalusog ito sa loob? Ang Visia skin analyzer ay isang state-of-the-art machine na gumagamit ng multi-spectral imaging upang makita ang tunay na kalagayan ng balat kahit sa loob nito na hindi nakikita sa ordinaryong visual examination. Ang makabagong makinang ito ay makapagbibigay ng malaking tulong hindi lamang sa mga pasyente kundi sa mga espesyalista para makita ang tunay na kalagayan ng balat at mabigyan ng tamang lunas.

Isa sa mga karaniwang problema ay ang maitim na balat at sugat na dulot ng acne. Pero ang Belo Medical Clinic ay may magandang balita para sa inyo. Ang Fractional C02 laser treatment ay isang resurfacing procedure ng panggagamot at mabisang nagtatanggal ng mga peklat na walang komplikasyon tulad ng sa full ablative resurfacing. Ang paraang ito ay katulad din ng sa lahat ng fractional lasers ngunit gumagamit ng mas makabagong teknolohiya na mas malalim na parte ng balat ang naaabot tulad ng YSGG at Erbium lasers.

At siyempre walang skin treatment ang magiging kumpleto kung wala ang pampaputi, ang pinaka-in demand na dermatological procedure ng Belo sa kasalukuyan. Iminumungkahi ni Dr. Belo ang IV Glutathione — ang pag-inject sa balat ng gamot na may potent antioxidants na labanan ang mapaminsalang free radicals na nakakasama sa cells at tissues ng balat. Ito ay mas mabilis at epektibo kaysa sa normal na pag-inom ng glutathione pills at mas magandang pagtanggap sa katawan ng mga pasyente.

Bumisita na sa pinakamalapit na Belo clinic para ma-avail ang mga procedure ngayon? Para sa iba pang impormasyon, abangan ang episode ng Salamat Dok ngayong Linggo, 7:30 a.m., sa ABS-CBN, kasabay sa ANC.

vuukle comment

ANG FRACTIONAL

ANG VISIA

BALAT

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

BUMISITA

DAHIL

DR. BELO

SALAMAT DOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with