^

PSN Showbiz

Vic bumili ng mamaha­ling bahay sa Laguna para kay Pauleen?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Mga mag-aamang Richard Faulkerson at Alden Richards, Coach Eric at Luigi Altamirano, Mark Gil at Gabby Eigenmann ang maglalaban sa kalahating milyong pisong jackpot sa Celebrity Bluff mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

PAK : Pinabulaanan ni Pauleen Luna ang napabalitang may binili na raw si Vic Sotto na lupa’t bahay sa isang sosyal na village sa Laguna.

“It’s not true,” mabilis na sagot ni Pauleen nang inurirat ito sa presscon ng pelikula niyang Gaydar na magsu-showing na sa November 13.

Dahil dito marami pa rin ang nagbibintang sa actress/TV host na piniperahan lang daw nito si Bos­sing Vic.

“I’m so tried of justifying of what we have. Kaya kami, nanahimik na lang kami. We just gonna let time speak for our relationship,” sabi pa nito na parang napipikon na sa mga nagkukuwestiyon pa rin sa kanilang relasyon.

BOOM : Hindi napigilan ni LJ Reyes ang maluha nang in-interview ni Ricky Lo para sa Startalk.

Ipinagtanggol nito ang sarili sa ilang reporters na tumira sa kanya dahil sa hindi nito napigilang magalit nang in-interview ito sa studio ng Sunday All Stars nung nakaraang Linggo.

Paliwanag ni LJ; “Kasi ang tanong po sa akin is, uy buti okay lang sa ‘yo na ‘yung mga libreng oras lang ‘yung binibigay sa anak mo. Nasaktan po ako for Aki kasi parang naalala ko lang po lahat-lahat nang pinagdaanan ko para dun sa bata.

“Nanganak po ako sa States mag-isa. Hindi po siya nakapunta kasi hindi po siya nakakuha ng visa.”

Hindi dinetalye ni LJ ang kanilang paghihiwalay, pero medyo matagal na rin daw silang hindi nagsasama, at totoo raw na gusto ni Paulo na makipagbalikan pero hindi na raw ito tinanggap ng aktres.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CELEBRITY BLUFF

COACH ERIC

GABBY EIGENMANN

LUIGI ALTAMIRANO

MARK GIL

PAULEEN LUNA

RICHARD FAULKERSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with