^

PSN Showbiz

Andi, inspirado sa mataas na ratings ng Galema

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Damang-dama ni Andi Eigenmann ang mainit na pagsuporta ng mga manonood sa kanyang afternoon fantaserye sa ABS-CBN na Galema: Anak ni Zuma.  

“Mas inspirado po akong galingan pa ang pagganap ko bilang Galema dahil araw-araw napapasaya po kami ng mataas na ratings na nakukuha ng show. Sulit po talaga ang lahat ng pagod at sakripisyo ng buong team,” pahayag ni Andi kaugnay ng consistent na pangunguna ng Galema sa timeslot nito mula nang umere noong Setyembre.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Martes (Oktubre 22), patuloy ang paghataw ng Galema tuwing hapon taglay ang 16.5% national TV rating.

Mas titindi ang mga tagpo sa mga susunod na episode ng Galema: Anak ni Zuma dahil si Galema ay hindi lamang kay Morgan (Matteo Guidicelli) napapalapit, kundi maging ang kanyang ama na si Zuma (Derick Hubalde) na nagbalik sa daigdig para hanapin silang mag-ina.Matatakasan pa ba ni Galema ang sumpang dala ni Zuma?

vuukle comment

ANAK

ANDI

ANDI EIGENMANN

DAMANG

DERICK HUBALDE

GALEMA

KANTAR MEDIA

MATATAKASAN

MATTEO GUIDICELLI

ZUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with