^

PSN Showbiz

Anak ni AiAi hindi na naghanap ng tatay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Buung-buo pa rin daw ang pagkatao ng panganay na anak ni AiAi delas Alas na si Sancho kahit lumaki siyang hindi nakasama ang ama. Hindi raw naging hadlang ang hiwalayan ng kanyang mga magulang para maging mabuting indibidwal. Hindi na rin kinulit ni Sancho ang ina kung nasaan ang kanyang ama.

“May incident lang po na nanonood ako ng TV, sabi ko ‘Ma, tingnan mo itong lalaking ito.’ ’Tapos namumutla siya, ’yun pala, ’yung tinuturo kong lalaki was my dad,” kuwento ni Sancho.

Parang tunay na anak din daw ang turing sa binata ng singer-actor na si Miguel Vera, na siya namang ama ng mga kapatid na sina Nicolo at Sofia.

“Si Papa Migs naman po kasi trinato niya rin po ako na tunay na anak. So, kumbaga parang kami talaga ’yung family, parang gano’n,” paglalarawan ni Sancho.

Samantala, labis daw na naapektuhan si Sancho sa naging karanasan ni AiAi sa pinakasalang si Jed Salang noong Abril. Ilang buwan lamang nagsama ang dalawa at nauwi rin ito sa hiwalayan.

“Parang ako mixed emotions, ako ’yung panganay na anak. Ako dapat ’yung nagpoprotekta sa ’yo (AiAi) ’tapos malalaman ko na ganito na pala ’yung nangyayari,” seryosong pahayag ni Sancho.

Minor na dyowa ni Freddie walang paki sa mga manlalait

Ikinagulat ng lahat nang pumutok ang balitang isang 16 years old na raw ang karelasyon ni Freddie Aguilar ngayon. Aminado naman ang batikang singer na marami siyang naririnig na masasamang salita simula nang malantad ito sa publiko.

“Sinasabihan ako na isa akong pedophile. Isa akong cradle snatcher, na child abuser ako. Sino po ang child abuser? Ako po ba na nagmamahal sa kanya, na tunay na pag-ibig o ’yung mga basher namin na kung anu-ano ang mga sinasabi na masasamang salita sa kanya?” bungad ni Freddie. “In the first place, kung alam kong sixteen lang siya no’ng nakita ko siya ay hindi ko itutuloy ’yung panliligaw ko out of respect sa mga magulang niya.”

Lumantad na rin sa publiko ang kasintahan ng singer na si Jovi Gatdula. Limang buwan nang magkarelasyon ngayon ang dalawa at may basbas naman pala ito ng mga magulang ng babae.

“Anuman ang sabihin nila, mahal ko si Freddie eh,” bungad ni Jovi.

Nasasaktan lamang daw ang dalaga sa tuwing makaririnig ng masasakit na salita buhat nang makipagrelasyon kay Freddie. “Masakit lang na gano’n, lalo na ’yung pakiramdam na binabatikos ka nila sa bagay na alam mo sa sarili mo na hindi ka gano’n. Pinipilit kong dedmahin,” giit ni Jovi.

“Hindi ko siya iiwan dahil lang gano’n ’yung nangyayari kasi nangyari ito na magkasama kami. So, tatapusin namin ito nang magkasama rin kami.”

Nagbabalak na magpakasal ang dalawa sa susunod na buwan dahil magse-17 na ang dalaga pero kailangan nila itong ipagpaliban muna dahil menor de edad pa rin si Jovi.  Reports from JAMES C. CANTOS  

vuukle comment

AKO

FREDDIE

FREDDIE AGUILAR

JED SALANG

JOVI

JOVI GATDULA

MIGUEL VERA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with