^

PSN Showbiz

Hindi na komedyante ang level Eugene nakipagsabayan sa paghuhubad nina Maja at Solenn!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siguradong pag-uusapan at magiging kontrober­siyal ang mapangahas at kakaibang pagganap ng komedyanang si Eugene Domingo bilang Marian, isang sexologist, sa bagong pelikula ni Direk Chris Martinez para sa Regal Films, ang Status: It’s Complicated, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Nov. 6.

Mapangahas, dahil lumaban at nakipagsabayan talaga si Eugene sa pagpapaseksi at pagpapakita ng katawan kina Maja Salvador at Solenn Heussaff, dalawa sa pinaka-pinagpapantasyahan na aktres ng bansa ngayon.

Hindi talaga siya nagpakabog sa dalawa’t bed scene kung bed scene ang binanatan kasama ang  Status: It’s Complicated hunky male leads na sina Jake Cuenca at Paulo Avelino.

Sa trailer, nariyang isubsob ni Jake ang mukha sa maselang bahagi ng katawan ni Eugene habang nasa isang bar at rumolyo-rolyo sila ni Paulo nang nakahubad sa kama.

Confident na confident naman si Eugene sa pagpapaka-daring dahil malaki na rin naman ang naibawas sa kanyang timbang mula nang regular na mag-diet at work out.

“Vampy” at “sultry” na nga rin ang kategorya ng dating wholesome comedienne lalo pa’t pumayag itong magsuot ng revealing swimsuit sa maiinit na eksenang kinunan pa sa Boracay at flimsy lingerie para sa character poster at movie layout ng pelikula.

Pati speaking lines ni Eugene, makatawag-pansin, huh!

Ilan dito ay ang: “’Wag mo ‘kong sanayin, baka mawili ako, hanap-hanapin ko,” “Masarap, maga­ling, malinamnam, ma-everything” at “You like me now, I like you now, fine! You don’t like me tomorrow, I don’t  like you tomorrow, fine!” na napaka-liberated woman ang dating.

Sabagay, hindi ito kataka-taka dahil gaya ng sabi ng komedyana, malaki ang tiwala niya kay Direk Chris considering na matagal na silang magkakilala at kabisadung-kabisado na nila ang isa’t isa.

Ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila, tulad ng award-winning indie film na Ang Babae sa Septic Tank.

Sa Status: It’s Complicated, magkaribal sina Eugene, bilang Marian, at Solenn, bilang fashion designer na si Sylvia, sa katawan, atensiyon at pag-ibig ng guwapong graphic designer na si Jerry (Paulo).

Contest sila sa pang-aakit at pangingiliti sa pagkalalaki ni Jerry, pero sa huli, mananaig pa rin ang tunay na pag-ibig. 

Ang Status: It’s Complicated ay inspired ng classic Ishmael Bernal movie na Salawahan.

Sey nga ni Direk Chris, mababago ang pananaw ng moviegoers sa love, sex at relationship oras na mapanood ang mas modernong bersyon ng pelikula.

Para sa iba pang eksplosibo at nakaiintrigang dialogue at eksena ng Status: It’s Complicated, mag-log-on lamang sa fan page nito sa Facebook at sundan ang Regal Films Twitter at Regal Cinema YouTube accounts.

Pamilya ni Maja, bilmoko?!

True kayang bilmoko (bili mo ako niyan) ang ilang kamag-anak ni Maja Salvajor sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson?

As in palibre to the max daw ang ilang kamag-anak ng actress kay Gerald.

Ganito rin daw ang naging isyu noon kay Matteo Gaudicelli.

Parang hindi naman kapani-paniwala. Eh may sarili namang datung si Maja. Dami naman niyang raket para magpalibre pa.

vuukle comment

ANG BABAE

ANG STATUS

DIREK CHRIS

DIREK CHRIS MARTINEZ

EUGENE DOMINGO

GERALD ANDERSON

ISHMAEL BERNAL

JAKE CUENCA

MAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with