^

PSN Showbiz

Dahil sa bakla-serye, Tom nakakapaglibot na sa ibang bansa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sumisikat na ang Fil-Am actor  na si Tom Rodriguez who is Bartolome Alberto Abinguna Mott in real life na ipinanganak nung Oct. 1, 1987 sa Olongapo City. American service man ang kanyang amang si William Mott at plain housewife naman from Catbalogan, Samar ang kanyang inang si Teresita Abinguna. Pang-apat si Tom sa anim na magkakapatid – three girls and three boys.

Interesting ang naging buhay ni Tom bago siya naging artista. Apat na taong gulang pa lamang siya noon nang mag-erupt ang Mt. Pinatubo nung 1991 at isa ang pamilya nila sa naapektuhan at wala silang choice kundi lumipat sa hometown ng kanilang ina sa Catbalogan, Samar.  

In college, nag-aral si Tom ng digital animation course sa Arizona. Seventeen years old pa lamang noon siya ay natuto na siyang magsarili by taking odd jobs tulad ng pagiging waiter at busboy at iba pa and he was already earning his own money. 

Nang maapektuhan ang America ng economic crisis in 2007, feeling ni Tom ay hindi na niya maaabot ang kanyang pangarap kaya nagdesisyon na siya noon na pumasok sa military service.

Nang mapanood ng isa niyang sister sa TFC ang TV plug na magkakaroon ng audition sa San Francisco, California para sa next edition ng Pinoy Big Brother (Pinoy Big Brother: Double Up), in-encourage niya si Tom na mag-audition and luckily for him, natanggap siya sa audition at siyang naging dahilan nang pagbalik niya ng Pilipinas para maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Double Up kung saan ay kapanabayan niya ang grand winner na si Melai Cantiveros at boyfriend nito ngayong si Jason Francisco.

Nang matapos ang edition ng reality show, kasama si Tom sa mga kinontrata ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN. Ang Star Magic din ang nagbigay sa kanya ng kan­yang screen name na Tom Rodriquez.

Nang mag-expire ang kanyang kontrata sa Star Magic, lumipat siya sa management com­pany ni Popoy Caritativo, da­ting manager ni Marian Rivera. Inamin ni Tom na maraming nag-discourage sa kanyang umalis ng Star Magic at ABS-CBN pero hindi niya matanggihan ang magandang offer sa kanya ng GMA para gampanan ang isang lead role bilang si Vincent Soriano ang closet queen husband ni Lally Agatep-Soriano na ginagampanan ni Carla Abellana at lover ng character na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

Never siyang nag-expect na magiging malaking hit ang My Husband’s Lover, his first TV series sa Kapuso Network which brought them sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas at ibang bansa at makatanggap ng warm reception ng fans.

vuukle comment

ANG STAR MAGIC

BARTOLOME ALBERTO ABINGUNA MOTT

CARLA ABELLANA

CATBALOGAN

DOUBLE UP

NANG

PINOY BIG BROTHER

STAR MAGIC

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with