^

PSN Showbiz

Kris tumaba na sa kakatikim ng mga pagkain

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May nadagdag na na­­mang titulo sa napaka­raming parangal na nata­tanggap ng Queen of Mul­ti-Media Queen na si Kris Aquino. Mula sa pagiging isang talk show host, ang pinaka-latest na parangal na tinanggap nito ay para sa pagiging travel show host na siyang thrust ng kanyang Kris RealiTV ngayon.

In fairness to Kris, hindi lamang sa abroad siya nagpupunta, lumilibot din siya ng Pilipinas at enjoy siya sa mga tanawing bumu­bulaga sa kanya at maski na sa pagkain. Kung mapapansin n’yong lumolobo siya ngayon dahil ito sa ginagawa niyang pagtikim ng kanyang mga paboritong pagkain at maging ng mga ngayon lang niya natitikman.

Excited si Kris na mapuntahan ang mga lugar na nagtitinda ng mga murang bilihin. Hindi na ito nakapagtataka dahil para sa isang pumupunta lamang sa mga tindahang nagbebenta ng mga eksklusibong gamit, talagang langit para sa kanya ’yung mapresyuhan ng napakababa, lalo na sa mga lugar ng Quiapo at Divisoria sa Manila.

I’m sure every punta niya sa mga lugar na ganito ay marami siyang nabibiling mga mu­rang bagay, from toys to decors, dresses, shoes, accessories, kitchen utensils, cloths, at ma­rami pang iba.

Barbie gustong magkontrabida

Parehong pagiging kontrabida ang gusto namang sunod na sabakan nina Barbie For­teza at Krystal Reyes, dalawa sa mga cha­racter ng Anna Karenina.

Bagama’t parehong maganda ang mga role na ginagampanan nila sa Anna Karenina, feeling ng dalawang kabataang aktres ay mas mabibigyan nila ng bigat ang kanilang pagganap kung magagalit naman sa kanila ang mga manonood. Okay ito kay Krystal na gustong magpaka-versatile pero marami ang nagpapayo kay Barbie na huwag muna itong subukan sa ngayon dahil baka hindi siya tanggapin ng mga tagasubaybay niya. Magpaka-mature raw muna siya at i-establish ang kanyang sarili bilang bida. Saka na siya magkontrabida kapag matatanggap na siya ng mga manonood sa ibang klase ng roles.

Krystal naman for her part, kahit hindi kontrabida pero gusto niyang mag-try din ng ibang role, tulad nung role ni Barbie na Karen sa Anna Karenina.

Rayver iniaasa ang buhay kay Denise

Isang domestic violence na kinasasangkutan ngayon ng ilang sikat na personalidad ang tampok na kuwento ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na pagbibidahan nina Denise Laurel at Ray­ver Cruz.

SPG (Strong Parental Guidance) ang rating ng MMK episode dahil sa maselang tema nito na tungkol sa pang-aabusong pisikal, berbal, at emosyonal na dinanas ng isang misis sa kamay ng lalaking na­ngakong siya ay irerespeto, poprotektahan, at ma­mahalin.

Alang-alang sa kanyang mga anak, nagdesis­yong magtrabaho si Blythe (Denise) para makatulong sa asawa na si Raymond (Rayver). Ngunit unti-unting nagbago ang takbo ng buhay ng mag-anak nang biglang huminto nang magtrabaho si Raymond at magsimula nang iasa ang lahat ng panga­ngailangan ng pamilya kay Blythe.

vuukle comment

ANNA KARENINA

BARBIE

BARBIE FOR

BLYTHE

DENISE

DENISE LAUREL

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with