^

PSN Showbiz

Ibang viewers nagrereklamo: Ilang eksena sa Be Careful… inuulit-ulit na lang?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., maraming televiewers ng top-rating morning TV series na Be Careful with My Heart ang nagsasabi na halatang-halata na umano ang ginagawang pag-i-stretch ng programang pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap dahil kahit naipalabas na ang mga eksena the previous day ay muli itong inuulit the following day para humaba. Sa 45-mi­nute run ng programa, 15 minutes lang daw ang content ng feel-good family-oriented show at ang remaining 30 minutes ay commercial load.

May mga nakausap din kaming TFC subscribers sa Amerika ang nagre­reklamo sa ginagawang pagpapahaba ng programa dahil alam ng TV network na ito’y inaabangan at sinusubaybayan.

Bukod sa daily doon ng Be Careful with My Heart from Monday through Friday, may rewind or rerun ang programa tuwing Sabado ng umaga na loaded din ng TV commercials.

May suspetsa kami na sa Disyembre pa marahil magtatapos ang Be Careful with My Heart dahil ginagawan na ito ng movie version na kalahok sa dar­ting na Metro Manila Film Festival.

“Wala naman sanang problema ang pag-i-stretch ng programa dahil gusto rin naman `yan ng televie­wers pero huwag naman sanang sobra,” anang kausap namin.

Dahil sa malaking tagumpay ng Be Careful with My Heart na nakapagtala ng bagong trend sa TV prog­ramming at viewing habit, tiyak na ngayon pa lamang ay pinag-iisipan na ng ABS-CBN ang next TV project nina Jodi at Richard.

Juday mag-aalaga na lang kay Ryan sa hospital, bakasyon kanselado

Walang pinipili ang kinakapitan ng sakit na dengue at ito’y puwedeng dumapo sa kahit sino, mayaman ka man o mahirap, popular ka man o hindi. Not too long ago, na-dengue ang kilalang TV-movie director na si Rory Quintos at sumunod kamakailan lang ang  singer-comedian na si Michael V. kaya hindi ito nakadalo sa recent major 25th anniversary concert ng kanyang kaibigan at da­ting kasamahan sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid.

Ngayon naman ay nabalitaan namin na hindi umano natuloy ang planong biyahe ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kasama ang kanilang mga anak dahil dinapuan ng dengue ang mister ni Juday. Kalalabas lang ng hospital ni Michael V. at si Ryan naman ang na-admit. Kaya sa halip na magbakasyon ang mag-anak, ang pagba-bantay at pag-aalaga sa mister ang inaasikaso ngayon ni Juday.

Ruffa at Richard wala pang lilipatan

Bongga at sosyal ang September issue ng Metro Magazine kung saan si Ruffa Gutierrez ang nasa cover na kinunan pa sa Europe. Nagkaroon din ng grand launch ang nasabing magazine edition na ginanap pa sa Prive Luxury Club sa Bonifacio Global City sa Taguig last Wednesday evening.

Namataan namin sa launch ng Metro Magazine’s biggest fashion issue ang mom ni Ruffa na si Annabelle Rama, ganun din sina Raymond Gutierrez, Ehra Madrigal, Arci Muñoz, Phoemela Barranda. Namataan din namin doon si Bela Padilla with her controversial businessman and movie producer boyfriend na si Neil Arce na tumangging magpa-interview na may kinalaman sa away nila ng entertainment writer-editor na si Joey Sarmiento. 

Sinabi sa amin ni Jun Lalin na darating si Ri­chard Gutierrez and his controversial girlfriend na si Sarah Lahbati pero hanggang sa kami’y umalis ng almost 11:00 p.m. ay wala pa ang magkasintahan.

Samantala, ayaw pa kami bigyan ng clue ni Jun kung saang TV network pipirma ang magkapatid na Ruffa at Richard. Ang sigurado lang ay ang pagpirma ni Raymond sa TV5 para mapasama sa bagong showbiz talk show ng network, ang Showbiz Police kung saan din kasama sina Cristy Fermin, Rep. Lucy Torres-Gomez, at ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes.

Sa ngayon, nasa-freelance status muna sina Ruffa at Richard.

Heart tikom ang bibig sa pakikipagbati sa ama

As much as possible, ayaw ni Heart Evangelista na pag-usapan ang kanyang pamilya at gumagawa siya ng paraan na maayos ang lahat. Magkabati na nga si Heart at ang kanyang nagtampong ama at hindi niya ikinakaila na siya’y “daddy’s girl”. Ayaw namang mag-elaborate si Heart kung okay na sila ng kanyang mommy.

Ayaw ding ihalo ng singer-actress ang kanyang usaping puso at pamilya pero umaasa siya na magiging maayos din ang lahat. Si Heart ang nagdedesisyon ngayon para sa kanyang sarili.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARCI MU

BE CAREFUL

HEART

JUDAY

METRO MAGAZINE

MICHAEL V

MY HEART

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with