^

PSN Showbiz

Jennylyn buntis?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado kung bakit may mga lumulutang na balita na buntis umano si Jennylyn. ‘Di alam ng dalawa kung sila’y matatawa o maiinis sa balita dahil wala umano itong katotohanan. Parehong aminado sina Luis at Jennylyn na masaya sila sa takbo ng kanilang relasyon at wala umanong dahilan na madaliin nila ang lahat.

Regine wala nang kontrata sa Kapuso!

Official na ang pagiging Kapatid ng singer-songwriter-TV host-comedian na si Ogie Alcasid matapos itong lumagda ng exclusive three-year contract with TV5 last Tuesday (Aug. 6) ng hapon, twenty one days before his birthday, August 27. 

Last Tuesday, August 6, tatlong mahahalagang event ang nangyari sa buhay ni Ogie.  Bukod sa ito ang araw ng kanyang pagiging Kapatid, sa araw ding ito naganap ang presscon ng kanyang bagong pelikula, ang Raketeros  at  pagkatapos ay tumuloy naman si Ogie sa C3 Events Place kung saan naman ginanap ang presscon ng kanyang silver anniversary major concert, ang 25: I Write The Songs na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa August 16. At pagkatapos ng kanyang concert presscon ay tumuloy naman ang mister ni Regine sa Trinoma para naman sa premiere night ng Raketeros na nagbukas sa mga sinehan kahapon (Wednesday).

Hindi ikinakaila ni Ogie na hindi naging medaling desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa Kapuso (GMA) Network na naging tahanan niya ng halos 18 taon.  Maganda ang kanyang working experience with GMA at wala siyang masasabing hindi maganda sa dating home studio. Its just that merong mga desisyon na kailangan din niyang gawin. 

Samantala, ayaw magkomento ni Ogie hinggil sa kontrata ng kanyang misis na si Regine Velasquez sa GMA dahil ang kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra ang manager nito. Pero expired na rin umano ang kontrata ng kanyang misis kaya abangan na lamang ang magiging final move nito kung ito’y mananatiling Kapuso o susunod din sa kanyang mister sa TV5.

Lipatan nakaamba…

Tila panahon ngayon ng pagtatapos ng kontrata ng maraming stars na kabilang sa iba’t ibang TV networks kaya nakatutok at nakaabang ang tatlong major TV stations kung sinu-sino ang dapat na manatili sa kanila at kung sinu-sino ang puwede nilang kunin mula sa ibang istayon.

May mga lumulutang na balita na hindi na umano masaya ang young superstar at soap opera queen na si Judy Ann Santos sa Kapamilya Network kaya nakaabang sa kanya ang GMA at TV5. Nasa TV5 na si Ogie Alcasid. Lumipat naman ng ABS-CBN from TV5  ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga kasunod ang  young actor na si JC de Vera.  Lumulutang din ang paglipat umano sa TV5 ni Marian Rivera. From ABS-CBN, mga Kapuso na ngayon ang dalawang anak ng yumaong action superstar na si Rudy Fernandez at Lorna Tolentino na sina Ralph at Renz. For sure, Salve A., marami pang movements ang magaganap in the days to come.

Randy at Dennis hindi pinag-uusapan ang mga Barretto

May common denominator sina Randy Santiago at Dennis Padilla na parehong kasama sa pelikulang Raketeros - si Randy ang nakatatandang kapatid ni Raymart Santiago na mister ni Claudine Barretto at si Dennis naman ay ex-husband ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto at ama ng young star na si Julia Barretto. Hiwalay na si Dennis sa 2nd wife nitong si Marjorie at hiwalay na rin si Raymart sa misis nitong si Claudine. 

Pero sa kabila ng mga kontrobersiya which indirectly involve them, hindi ito pinag-uusapan nina Randy at Dennis sa kanilang trabaho.

Nalulungkot si Randy sa kinahinatnan ng pagsasama nina Raymart at Claudine pero umaasa siya na sana’y maging maayos ang lahat. 

Maging si Dennis ay ‘yun din ang hinahangad sa pamilya ng kanyang dating asawa.

 

 

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

CACAI VELASQUEZ-MITRA

CLAUDINE

KANYANG

KAPUSO

OGIE

OGIE ALCASID

RAKETEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with