^

PSN Showbiz

Andi idinadawit sa hiwalayang Billy at Nikki

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Possible raw kayang si Andi Eigenmann ang third party sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil?

Ito kaya ang rason kaya gigil na gigil si Nikki nang minsang nag-a-advice siya sa isang letter sender sa programa niya sa MYX tungkol sa panloloko ng boyfriend? Ang dialogue ni Nikki, naniniwala siya sa karma though problema ng iba ang kanyang topic.

Magkasama kasi sina Andi and Billy sa pelikula ng Viva Films na Mama Mia with Maricel Soriano and Eugene Domingo kaya marahil na-link sila.

Lumipad na pa-Amerika si Billy kaya paano siya matatanong tungkol dito?

Ruffa ini-enjoy ang pag-aaral at pamamasyal sa London!

Ang sarap ng buhay ni Ruffa Gutierrez. Kahapon ay panay ang upload niya ng photos niya sa Ibiza. Nag-aaral si Ruffa sa London’s King’s College. Sabi ni Ruffa, one month lang naman siyang mag-aaral.

Pero madaling naka-adjust si Ruffa at marami agad naging kaibigan base sa mga inilalagay niyang photos sa kanyang Instagram account.

At pag weekend, namamasyal naman siya.

Last weekend ay nasa Saint-Tropez, isang town sa France, si Ruffa, at this weekend nga nasa Ibiza  (Spain) siya.

Ang mga nasabing lugar ang mga pangarap na puntahan ng mahilig mag-travel.

Baka dito na makilala ni Ruffa ang magiging boyfriend niya. Matagal-tagal na ring loveless si Ruffa.

Apat na pelikulang hubaran ipinalabas sa matatapos na Cinemalaya

Matatapos na ang Cinemalaya Independent Film Festival at apat sa ipinalabas ditong mga pelikula ang may frontal nudity at mga maseselang eksena.

Pero since hindi dumadaan sa Movie and Television Review ang Classification Board (MTRCB), nakalusot ang apat na pelikula at napanood ng mga estudyanteng dumarayo sa CCP.

Dong-Yan fever damang-dama sa Sublian at Sandugo Festivals!

Na-enjoy nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang katatapos lamang na Kapuso-moun­ted activities sa nagdaang Sublian Festival sa Batangas at Sandugo Festival sa Bohol.

“Ito ang nami-miss namin ni Marian, ang GMA regional shows. At gusto naming gawin ito paminsan-minsan dahil we are free to play around with our fans na nagmamahal sa amin,” ani Dingdong na nag-celebrate ng birthday kahapon.

Ganoon din ang naramdaman ni Marian. “Nga­yon lang ulit ako nakakapag-show sa iba’t ibang lugar at natutuwa ako na madalas akong may fans’ day nga­yon,” sabi ni Marian na balitang si Alden Richards na ang magiging lea­ding man sa gagawing bagong serye sa GMA 7.

Pinangunahan ng dalawa ang isang malaking grupo ng Kapuso stars sa pagdiriwang ng Sublian at Sandugo Festivals at sa parehong pagkaka­taon, magkahalong kilig at excitement ang ipinakita ng kanilang fans nang pagsaluhan ng dalawa ang ilang song and dance numbers sa Kapuso Night.

Star-studded ang Kapuso Day noong July 20 hatid ng GMA Regional TV, ang third-time media and event partner ng Batangas City para sa Sublian Festival.

Dinayo noon ng naglalakihang stars ng GMA ang Batangas City Sports Center Coliseum —sina Alden Richards, Louise de los Reyes, Lauren Young, at Rita de Guzman ng Mundo Mo’y Akin; Krystal Reyes, Barbie Forteza, Joyce Ching, Derrick Monasterio, Julian Trono, Hiro Peralta, at Joanna Marie Tan ng Ana Karenina; Rocco Nacino, Steven Silva, at Charee Pineda ng Akin Pa Rin Ang Bukas; Mikael Daez, Andrea Torres, RJ Padilla, Jack Roberto, at Shelley Hipolito ng With A Smile; Bianca King, Rafael Rosell, Dion Ignacio, JC Tiuseco, at Diva Montelaba ng Maghihintay Pa Rin; Mike Tan, Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia, Mico Zarsadias, at Maxene Magalona ng Mga Basang Sisiw; Kim Rodriguez, Enzo Pineda, at Kristoffer Martin ng Kakambal Ni Eliana; at sina  David Remo, Sheena Halili, Luis Alandy, at Angel Satsumi ng Binoy Henyo.

Naroon din ang Sunday All Stars mainstays at sumali rin sa kasiyahan sina Chef Boy Logro ng Kusina Master, Arnold Clavio ng Alisto, at Pinoy MD hosts Connie Sison at Dr. Raul “Q” Quillamor.­ Sina Isabelle Daza, Chynna Ortaleza, Pekto, John Feir, Boobay, at Anna Maris Igpit naman ang nagsipag-host ng event.

Sa pagtatapos naman ng Sublian Festival noong July 23 dumalo sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Victor Basa, Kevin Santos, Karel Marquez, at Pancho Magno—cast members ng pinakapinag-uusapang primetime program sa telebisyon na My Husband’s Lover.

Hindi rin naman magpapahuli ang taunang Sandugo Festival sa Bohol kung saan dinala rin ng GMA sina Marian at Dingdong.

Libu-libong mga Boholano ang nagtungo sa CPG Sports Complex ng Tagbilaran City sa gitna ng malakas na ulan para mapanood ang Kapuso Night noong July 28 kung saan muling nagsama sa stage sina Marian at Dingdong upang magbigay-saya sa kanilang fans.

 

 

 

 

vuukle comment

AKIN PA RIN ANG BUKAS

ALDEN RICHARDS

KAPUSO NIGHT

RUFFA

SANDUGO FESTIVAL

SANDUGO FESTIVALS

SINA

SUBLIAN FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with