^

PSN Showbiz

The Voice at Huwag Ka Lang Mawawala, pasok sa listahan ng Top 15 programs ng Kapamilya

KC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wagi na naman ang ABS-CBN sa bakbakan ng pinaka-pinanood na TV network sa mga urban at rural na kabahayan sa buong bansa noong Hunyo at bahagyang tumaas pa ng isang puntos ang average total day audience share nito mula sa 43%, o lamang ng 11 puntos sa 32% ng GMA, base sa pinakahu­ling datos ng Kantar Media.

Pinakamaraming nanonood sa Dos tuwing primetime (6:00 p.m.-12:00 m.n.) kung kaya’t nadagdagan ng isang puntos ang average audience share nito sa 47.

Sa lahat ng mga programa sa primetime, pinaka-namayagpag ang katatapos lang na Ina, Kapatid, Anak na pumalo ng average national TV rating na 35.3% para sa buwan ng Hunyo. Nagtamo naman ang finale episode nito noong Hunyo 14 ng napakataas na 42.9% na national TV rating.

Sinundan naman ito ng Maalaala Mo Kaya na tumaas ng apat na puntos mula sa nakaraang buwan noong Hunyo.

Hindi rin nagpahuli ang superhero drama na Juan Dela Cruz (34%), ang ta­lent reality show na Pilipinas Got Ta­lent 4 (30.4%), at Wansapanataym (30%).

Patok naman sa mga manonood ang The Voice of the Philippines na nagtala ng average national TV rating na 29.4% para sa unang anim na episodes nito.

Mainit namang tinanggap ng mga Pilipino maging ang pagbabalik ng Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos sa kanyang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala na may 27.3% para sa buong buwan ng Hunyo, samantalang nananati­ling pinaka-pinagkakatiwalaan sa pagbabalita ang TV Patrol na may 27.1%.

Iniulat din ng Kantar Media na 12 sa 15 na pinakatinutukang programa noong Hunyo ay mula sa Kapamilya network, kabilang na ang top-rating daytime prog­­ram na Be Careful With My Heart (24.5%), Rated K (23.9%), Goin’ Bulilit (19.7%), at Apoy sa Dagat (19.5%).

Tinutukan din ang live coverage ng NBA Finals sa pagitan ng Miami Heat at San Antonio Spurs na nagtala ng national TV rating na 22.7%.

Wagi rin ang ABS-CBN maging sa iba pang rehiyon sa bansa.

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

HUNYO

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUAN DELA CRUZ

JUDY ANN SANTOS

KANTAR MEDIA

MAALAALA MO KAYA

MIAMI HEAT

PILIPINAS GOT TA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with