^

PSN Showbiz

P.A./driver ni Jake Vargas mas matapang at makapangyarihan pa kay Kuya Germs ang pakiramdam

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

 PIK: Excited si Gladys Reyes sa 6th anniversary ng programa niyang Moments sa Net 25.

Sa July 6 ay bagong Moments na ang mapapanood sa Net 35 alas-siyete ng gabi at meron ding replay kinabukasan ng hapon.

Co-producer na kasi si Gladys sa programang ito, kaya kinakarir na niya nang husto, kahit parang talent coordinator na siya minsan para makapag-interview ng mga bigating artista.

Sa July 6 ay ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang special guests niya at isa sa napag-usapan nila ay ang natsismis na nag-file na raw ng annulment ang mag-asawa.

PAK: Dahil sa kumalat na litrato ng eksenang naghahalikan sina Eugene Domingo at Iza Calzado, ang buong akala raw nila ay kuwento ng katombo­yan itong pelikulang ginagawa niyang Barber’s Tale na dinidirek ni Jun Lana.

Basta kakaiba raw ang pelikulang ito at hindi lang maipaliwanag sa amin nang maayos kung bakit umabot sa halikan ng dalawa.

For art’s sake daw iyun, at isa raw iyun sa tumatakbo sa isip ni Uge.

BOOM: Gustong linawin ng mga taga-Home Sweet Home na hindi nangyari sa kanila ang gulong naganap sa gitna ng driver ni Jake Vargas at ng location manager ng Pepito Manaloto.

Matagal na itong gulo, pero napabalita kasing nangyari ito sa taping ng Home Sweet Home.

Sa Pepito Manaloto pala nangyari na kung saan sinita ng driver/personal assistant ang location manager na nagbabawal magpapasok sa location ng mga fans.

Kaya lang napapasok ng ina ni Bea Binene ang mga fans ng kanyang anak, kaya nagreklamo ang mga fans ni Jake.

Galit na galit daw itong driver ni Jake na sinita ang location manager at nasuntok pa raw niya ito, at ang the height sinabihan pa raw nito na kaya niya itong ipatanggal sa GMA 7.

Si Jake ang hiyang-hiya sa nangyari at siya na ang humingi ng paumanhin sa inasal ng kanyang driver/personal assistant na mas matapang pa at makapangyarihan pa yata kay Kuya Germs.

 

vuukle comment

BEA BINENE

EUGENE DOMINGO

GLADYS REYES

HOME SWEET HOME

IZA CALZADO

JAKE VARGAS

JUDY ANN SANTOS

JUN LANA

KUYA GERMS

SA JULY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with