^

PSN Showbiz

Winning pair, magwawagi ng grand wedding, bahay, sasakyan, at P1 milyon, bagong reality show ng ABS-CBN, naghahanap ng mga magkasintahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sang bagong reality show ang nakatakdang ilun­sad ng ABS-CBN para sa mga magkasintahang gustong magkaroon ng happy ending at matupad ang kanilang pangarap na maikasal.

Magandang simula ang maghihintay para sa magwawagi sa reality show dahil bukod sa mapapanalunang grand wedding, makakakuha rin sila ng honeymoon package, bagong sasakyan, house and lot, at P1 milyon.

Inaanyayahan ang mga magkasintahan na may edad na 18 taong gulang at pataas na lumahok sa online auditions at ibida ang kanilang sariling love story sa pamamagitan ng pagbisita sa ido.abs-cbn.com.

I-download ang application form dito at kapag nasagutan na ito ay ipadala sa [email protected].

Ang mga gustong sumali ay dapat na hindi magka-live in o nagsasama at handang patunayan na mahal nila ang isa’t isa at kayang nilang bumuo ng masayang pamilya.

Para sa mga katanungan, tumawag lang sa hotline na 415-2272 local 4894, 10AM hanggang 6PM, mula Lunes hanggang Biyernes o mag-log on sa ido.abs-cbn.com.

vuukle comment

ABS

BAGONG

BIYERNES

CBN

IDO

INAANYAYAHAN

MAGANDANG

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with