^

PSN Showbiz

Willie Revillame kauna-unahang buyer ng Rolls Royce sa bansa, mahigit P25M daw ang bili?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mukhang malaki talaga ang kinita nI Willie Revillame sa TV5.

Ayon sa isang text message na natanggap ko kahapon, ang TV host-comedian lang naman daw ang kauna-unahang kliyente sa pagbubukas ng Rolls-Royce Motors sa bansa. Ang Rolls-Royce ang isa na sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo.

Sa ginanap daw na appointment ceremony ng Rolls-Royce Motors, ibinigay na raw sa TV host na hanggang October na lang ang programa sa TV5, ang susi ng kotseng binili niya na nakadisplay sa pagbubukas nga ng tindahan ng nasabing luxury cars.

Nang tanungin ko kung magkano ang bili ng TV host, hindi raw niya sure pero parang more than P25 million daw ayon sa nagkuwento sa kanya.

Kilalang kolektor ng mga mamahaling kotse ang nasabing TV host.

Luis pahinga muna sa deal!

Malapit na pala ang season break ng Deal or No Deal na si Luis Manzano ang host. Ayon kay Tita June Torrejon, manager ni Luis, pahinga muna si Luis sa programa at saka babalik din uli.

May lumabas kasing isyu na mababawasan na raw ang programa ni Luis dahil tatanggalin na sa ere ang naturang game show na napapanood kada Sabado. Ganun naman daw talaga, nagkakaroon ng season break ang programa so walang dapat ipag-alala ang mga nanonood kay Luis sa programa.

Dingdong Dantes makikisaya sa Empanada Festival

Pagkatapos ng Dance of the Steel Bars, pupunta naman si Dingdong Dantes kung saan ginagawa ang pinaka-katakamtakam na mga empanada—sa Ilocos. Sa selebrasyon ng City Charter Day ng Batac, Ilocos Norte, muling gaganapin ang taunang Empanada Festival. At upang lalong pasa­yahin ito sa pagpunta ng Kapuso stars na dadalhin ng GMA Network.

Magpapakilig sa kanyang fans sa Norte si Dingdong kasama sina Ryza Cenon at Mike Tan sa isang Kapuso Fiesta na magsisimula 8:00 pm nga­yong gabi, June 22, sa Imelda Cultural Center sa Batac City, Ilocos Norte.

Samantala, ang lead stars naman ng Anna­        Ka­renina ay darayo naman sa Pampanga para sa isang Kapuso Mall Show. Simula 5:00 pm, masasaksihan ng mga Kapusong Kapampangan sina Krystal Reyes, Barbie Forteza, at Joyce Ching sa kanilang live performances.

Sa bandang Visayas naman, gaganapin ang People Talento Cebuano na bahagi ng Cebu Business Month celebration. Dadaluhan ito ng isa sa big four ng Sunday All Stars - ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa ganap na 1:00 p.m. sa Activity Center ng Ayala Center Cebu.

Kahapon, June 21, bumisita naman sa NE Pacific Mall sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang My Lady Boss lead star na si Marian Rivera upang personal na makilala ang kanyang mga tagahanga sa isang Kapuso Fans Day kung saan host naman ang host-comedienne na si Boobay.

8 kiddie groups magpapasiklaban

Walong grupo ng mga bata ang maghaharap-harap at magpapasiklaban sa husay at galing sa It’s Showtime ngayong araw (Hunyo 22) para sa titulong Bida Kids Grand Champion at premyong P500,000.

Matapos ang anim na linggo at 26 grupo ng mga batang nagpasikat at nagpabilib sa madlang people, magtatagisan na ang hiphop group na Higher Level Kids ng General Mariano Alvarez, Cavite; hula hoop team ng Caloocan na Rated G; ang gymnasts ng Tondo na Lakandula Elementary School Dance Squad; at ang basketball boys ng Dasmariñas, Cavite na Super Crew.

Hindi rin magpapahuli sa labanan ang folk dancers ng Sta. Cruz, Manila na Likhain Dance Troupe; ang mga tumblingero ng Marikina na FMD Kids; ang mga rakista ng Navotas na Kombo ni Vyosh; at ang belly dancers ng Lucban, Quezon na Insiana Kids.

Bernard lumaki na ang katawan

Tatay na tatay na ang hitsura ni Bernard Palanca nang umapir siya sa Bandila the other night. Sa mukha walang gaanong nagbago, pero sa katawan, medyo lumubo na siya at malayo na sa hitsura ng mga kasabayan niyang sina Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi and Piolo Pascual sa The Hunks. Actually wala siyang binanggit kung pamilyado na siya basta nasabi niya lang happy siya sa pagiging ama (sa anak kay Meryll Soriano).

Anyway, balik-pelikula si Bernard sa Four Sisters and a Wedding na pelikula nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga and Shaina Magdayao.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

EMPANADA FESTIVAL

ILOCOS NORTE

LUIS

NAMAN

ROLLS-ROYCE MOTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with