^

PSN Showbiz

MTRCB nagpaliwanag sa ‘ginawa’ kay Vice

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Marami ang nagulat sa cute na bagets na si Jillian Ward nang bumirit ito ng kantang And I Am Telling You sa nakaraang presscon ng bagong programa niyang One Day Isang Araw.

Magaling kumanta ang bata at konting hasa lang ay puwede nang ihanay sa mga magagaling na batang singers.

Marami ang nagsabi kay Jillian na i-develop nang mabuti ang ta­lent niya sa pagkanta. Gaya ni Aiza Seguerra na nang lumagpas na siya sa pagiging child star ay naging magaling naman siyang singer.

Pero mas gusto pa rin munang mag-focus ni Jillian sa pag-aaral kapag break siya sa trabaho.

PAK: Nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Atty. Toto Villareal na hindi naman hearing ang tawag nila nung ipinatawag si Vice Ganda at ilang executives ng ABS-CBN nung nakaraang linggo.

“Mas mabuti sigurong tawagin nating developmental conference or chat.

“Ipinatawag namin sila dahil gusto lang naming klaruhin o ipaliwanag sa aming ma­ma­mayan na ang MTRCB ay hindi lang po purely regulatory. Kami po ay isang developmental agency,” bahagi ng pahayag nito.

Ipinaliwanag nito na kapansin-pansin na kasi ang pag-“migrate” ng mga comedy bar host sa TV at iba siyempre ang tipo nang pagpapatawa nila gaya ng ginagawa ni Vice Ganda.

Sabi nga ni Chairman Villareal, nag-ugat daw kasi ang pagpapatawa na iyon sa tinatawag nilang “okrayan”. Kaya napag-usapan daw iyon nang maayos kung ano ang mabuting gawin para hindi maka-offend o makakasakit sa ilang taong nagamit sa pagpapatawa.

“Ang komperensiya po na ’yun, instructive, friendly, and cheerful discussion,” sabi pa ng MTRCB head, at isa sa napag-usapan doon ay ang posibilidad nang pagbuo ng Academy of Comedy na puwedeng pangunahan ni Vice Ganda.

BOOM: Safe ang sagot ni Mikael Daez sa isyung umalis na ito sa poder ni Jonas Gaffud ng Mercator.

Hindi naiwasan ni Mikael na sagutin ang isyung ito nang humarap ito sa presscon ng bagong prog­rama niya sa GMA 7 na With a Smile na magsisimula na sa Lunes.

“I’m okay with Mercator. Ang masasabi ko, ’yun ang first family ko out of work. Until now lahat ng relationships namin malakas pa rin,” sagot ng aktor sa tanong na kung hindi na ba siya sa ilalim ng Mercator ni Jonas.

“Kami ni Jonas ang relationship namin parang fireball. Overall, kami ni Jonas, we’re always good. Wala kaming problema.”

Pero ang totoo, nagpa-release na ito ng kontrata kay Jonas at sa ngayon ay hinahawakan muna ng handler ni Mikael ang mga schedule niya.

Tineks namin si Jonas tungkol sa isyung ito pero hindi siya sumagot.

vuukle comment

ACADEMY OF COMEDY

AIZA SEGUERRA

CHAIRMAN ATTY

CHAIRMAN VILLAREAL

I AM TELLING YOU

JILLIAN

JONAS

NANG

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with