^

PSN Showbiz

Pakiusap ng mommy ni Charice: ‘Huwag mo na lang sanang tanggalin ang pagiging ina ko’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang ‘drama’ sa buhay ni Charice kahit may umay factor na ang issue matapos siyang umamin na isa siyang tibo at may karelasyong babae dahil ang kanyang nanay naman ang nagsa­lita tungkol sa mga nangyayari sa kanyang anak.

Though hindi nagpapa-interview ang kanyang mommy Raquel, active naman ito sa Facebook kaya roon niya inilalabas ang kanyang saloobin sa tumalikod na anak.

Heto ang pinaka-latest na post ng kanyang mommy Raquel.

“Marami nang nangyari sa pagitan nating mag-ina...

“Sa pagkakataon na ito, hahayaan na kita dahil ilang beses mo na ring ginawang talikuran ang iyong pamilya para sa kasiyahang hinahanap mo.

“Tinanggap kitang muli dahil anak kita at planong ayusin ang lahat pero bakit umabot sa ganitong kailangang siraan at pasamain mo ang sarili mong INA para sa kalayaan at kasiyahan na sinasabi mong wala ka?

“Malaya ka naman mula nang tumuntong ka sa edad na 18, di ba? Kasi yun lang ang hinihintay mo...

“Ngayon, kung ano man ang plano mo at desisyon na gustong gawin sa buhay mo, bahala ka na...

“Huwag mo na lang sanang tanggalin ang pagiging Ina ko na naba­balitaan ko na nagkapirmahan pa raw tayo sa pulis ayon kay MATA...(monet) na kinakalat diyan sa gulod.

“Kung mag-succeed ka man o hindi, andito lang kaming pamilya mo para saluhin ka...Mahal na mahal ka namin…”

“HULING PAALALA KO NA TO SA ‘YO... GOD BLESS YOU”.

Luv U may bagong enrollees

May big comeback sa telebisyon ang dating Goin’ Bulilit stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Kobi Vidanes, Sharlene San Pedro at Mika dela Cruz, at si Jairus Aquino na unang kinagiliwan sa Super Inggo. Ngayon, sila ang bibida sa pinakabagong season ng Luv U na palabas tuwing Linggo ng hapon.

Pangako rin nila na kung dati ay kilig at high school life ang napapanood sa programa, magi­ging hitik na rin daw ito sa family values sa bagong season.

“Mabibigyang pansin dito ang relasyon ng magulang at anak. May gabay na ang kabataan para lampasan ang mga problema bilang mga teenager pati na rin ang gusot sa pamilya,” sabi ng head writer ng programa na si Ricky Victoria.

Bukod sa bagong enrollees ng Lamberto Uy Villarama University (Luv U), abangan din ang pakikigulo ng Let’s Go alumna na si Eda Nolan na gaganap bilang guro ng mga bagets. At papasok na love interest ng karakter ni Bentong (Mang Jules).

Kaya naman excited na ang fans sa bagong love teams na mabubuo sa bagong cast.

Magsisimulang mapanood ang bagong season ng Luv U sa Hunyo 16, Linggo, sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng ASAP 18. ʉ۬

One Dayé bubuhay sa imahinasyon ng mga bata

May bagong programa ang GMA 7 na bubuhay sa imahinasyon ng mga bata at maging ng matatanda, ang One Day Isang Araw.

Naniniwala ang mga nasa likod ng programa na makakatulong sa mga bata ang paggamit ng imahinasyon upang lumaking mabuting tao.

Iba’t ibang kuwento na may iba’t ibang tema ang ipapalabas sa bawat episode na   magpapakita kung gaano kaganda ang pang araw-araw na buhay ng mga tao. 

Ang apat na Kapuso child stars ang magiging mga tagapagkwento. Sila ay sina Milkcah Nacion bilang Isay, Marc Justin Alvarez bilang Sunny, Joshua Uy bilang Uno, at Jillian Ward bilang Daisy. Si Jillian ang mamumuno sa barkada sa tuwing magkikita sila every week sa tambayan.

Nagkasama-sama ang apat dahil sa hilig nila sa pagtuklas ng iba’t ibang bagay. Isang tree house ang magsisilbing tambayan nila kung saan nila ibabahagi ang mga nakakatuwa at nakaka-inspire na mga karanasan at mga taong nakikilala nila. Ipakikita rin nila kung gaano kasaya ang malikhaing paghuhubog ng mga bata.  

Mapapanood ang One Day Isang Araw tuwing Sabado simula Hunyo 15, 6:00 pm sa GMA’s Sabado Star Power Sa Gabi block.

 

 

 

 

 

vuukle comment

ALEXA ILACAD

BAGONG

EDA NOLAN

HUNYO

JAIRUS AQUINO

LUV U

ONE DAY ISANG ARAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with