^

PSN Showbiz

Beking beauty queen na inutas ng ex, hahanapan ng hustisya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limampu’t isang saksak ang tinamo ng baklang beauty queen na si Russell Fritz Saliganan mula sa kanyang ex-boyfriend na hindi raw matanggap ang pakikipaghiwalay ng biktima sa kanya.

Ngayong Sabado (Mayo 25) sa SOCO, sisiyasa­tin ni Gus Abelgas ang mga motibo at kuwento ng pagkakapaslang kay Russell, na kilalang maganda, sexy, matalino, at lapitin ng mga lalaki kaya naman laging sumasali at humahakot noon ng korona sa mga beauty pageant.

Pero hindi lang siya puro ganda, dahil isang lisensyadong dermatologist din si Russell. Pero lahat ng ito’y nagwakas noong Enero nang matagpuan ang duguan niyang bangkay sa loob mismo ng inuupahang apartment sa Cubao, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, naging pangunahing suspek sa krimen ang boyfriend ni Russell na si John Patrick Torres, na hindi umano pumayag sa pakikipaghiwalay ng biktima kaya napatay niya ito.

Huwag palampasin ang SOCO: Scene of the Crime Operatives ngayong Sabado (Mayo 25) pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.

vuukle comment

CUBAO

GUS ABELGAS

JOHN PATRICK TORRES

NGAYONG SABADO

PERO

QUEZON CITY

RUSSELL FRITZ SALIGANAN

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHOWBIZ INSIDE REPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with