^

PSN Showbiz

Kasabay sa pag-alis nang isa sa mga host: Weekly show, tsutsugihin na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukas, Mother’s Day na mismo isi-celebrate ni Jennylyn Mercado ang kanyang kaarawan.

Sa May 15 pa ang birthday nito, pero ibibigay muna niya ang araw niya bukas sa kanyang mga loyal fans at doon na rin daw niya isi-celebrate ang Mother’s Day.

Ayaw naman daw ni Jennylyn ng magarbong selebrasyon. Ang mahalaga ay mai-celebrate daw niya ito sa kanyang mga supporters.

Bukas naman ay mismong kaa­rawan ni Dennis Trillo kaya maaga siyang uuwi ga­ling Naga para maipagdiwang ito kasama ang kanyang pamilya.

PAK: Pati ang ilang malalapit na kaibigan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay tikom ang bibig sa napapabalitang magpapakasal na raw sila sa December ng taong ito.

Ang tanging sagot lang nila ay wala raw silang alam.

Kahit sina Marian at Dingdong mismo ay ayaw na ring pag-usapan ang tungkol dito Sabi naman noon ni Marian, kung sakaling meron na raw talagang plano, hindi raw nila ito itatago sa mga tao, lalo na sa kanilang fans  na pinagkakautangan nila ng loob.

BOOM: Totoo kayang isang malaking weekly show ng isang malaking TV network ang tatapusin na bago matapos ang buwang ito?

Malaki raw ang kinalaman nang napipintong pag-alis ng isa sa mga main hosts nito kaya napagdesisyunang tsugihin na lang.

Pero pinaghahandaan na rin daw ang isang malaking show na kung hindi kami nagkamali, mala-reality ang format na siyang ipapalit sa matsutsuging show.

Ia-announce naman daw ito sa susunod na linggo. Abangan na lang!

vuukle comment

ABANGAN

AYAW

BUKAS

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

JENNYLYN MERCADO

MARIAN RIVERA

SA MAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with