^

PSN Showbiz

Sharon at Kiko halos P100M ang binibentang townhouses

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Na-feature sa Funfare column ni Ricky Lo sa Philippine Star ang townhouse nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na nasa may Scout Rallos sa Quezon City. Tinanong namin si Wilson Flores na isang real-estate agent kung magkano ibenebenta ng mag-asawa ang bawat unit ng 6 na unit sa Scout Rallos?

Mabilis ang sagot ni Wilson na P18.5M per unit at dahil six units ‘yun, almost P100M ang worth ng townhouses. Maganda ang mga unit na ang engineer na kapatid ni Sen. Kiko ang nag-design, kaya mabilis silang mabebenta. Also, sabi pa ni Wilson, very strict ang security at mahirap makapasok ang hindi may-ari.

Samantala, hinihintay na ng Sharonians ang nabalitang soap na gagawin ni Sharon sa TV5 na ididirek daw ni Joel Lamangan. Sabi ng isang taga-TV5, sa June ang target date ng airing na umano’y Madam Chair ang magiging title.

Eula matagal nang pinapantasya si Gabby

Dream come true pala kay Eula Valdez na makasama sina Gabby Concepcion at William Martinez sa fantaserye ng TV5 na Cassandra: Warrior Angel dahil sa kanyang Facebook account, nag-post ito na back in the 80s, crush niya ang nabanggit na dalawang aktor.

Nag-comment din ang ate ni Eula na may scrap book si Eula nina Gabby at William na itinatabi nito sa pagtulog. Kaya tuwang-tuwa ang aktres dahil hindi lang niya kasama ang dalawang aktor, may kissing scene pa siya kay Gabby na gaganap na kanyang asawa at sila ang gaganap na parents ni Eula Caballero.

Kinuwento rin ni Eula na noong nakapila siya para sa audition ng Bagets, si William Martinez ang unang nakapansin sa kanya. Kinausap ng aktor ang guard para papasukin agad si Eula. Nagkasama nga ang dalawa sa hit at iconic movie ng Viva Films na dinerehe ni Maryo J. Delos Reyes.

Anyway, magpa-pilot ang Cassandra, 7:00 pm., bukas. Kasama rin sa cast ang BF ni Eula na si Rocky Salumbides, hindi lang namin natanong kung may eksena silang magkasama.

Richard Gordon walang bilib sa survey

Isa sa pinakamagandang opening speech ni Mother Lily sa mga ipina-presscon na senatoriables ang speech niya kay Richard Gordon at “my partner” pala ang tawag ng lady producer sa dating senador dahil magkasama sila sa Philippine National Red Cross.

Overwhelmed si Sen. Richard sa kindness at suporta ng Regal producer at naniniwala siya sa showbiz industry. Maganda ang sinabi ng senador na hindi siya takot sa survey dahil negosyo ito at walang takot na sinabing “election now is owned by the rich.” Sa survey daw, ang magaling ay hindi nananalo at may pakiusap na “pillin natin ang kailangan natin.”

Kasama ni Sen. Richard sa Red Cross sina Angel Locsin, Marian Rivera, at Anne Curtis, pero wala siyang artistang endorser. Kung may magbu-volunteer ay tatanggapin niya dahil mas maganda ang kusang loob at hindi binabayaran. Kulang daw ang campaign fund niya at humihingi pa siya ng financial help from his friends.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

DELOS REYES

EULA

EULA CABALLERO

EULA VALDEZ

RICHARD GORDON

SCOUT RALLOS

WILLIAM MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with