^

PSN Showbiz

Angel parang naglilihi takam na takam sa kropek, nagpahanap kahit hatinggabi

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Natawa kami sa kuwento sa amin ni Angel Locsin tungkol sa pagkain. Kapag napagtripan daw niyang kainin ang isang bagay ay kaila­ngang makain niya ito gayung hindi naman siya naglilihi.

One time ay ‘‘kain na kain’’ na siya ng kropek, ’yung lasang-lasa ng malaking hipon. Nagpahanap siya nito kahit gabi na sa kanyang kasama sa bahay. Hindi puwede ang chicharong baboy kundi kropek talaga.

Sa tagal nang kahahanap ng kanyang assistant ay nakabalik din naman na may dala ito kaya ‘‘solved’’ ang gabi ni Angel at nakain niya ang paboritong kropek.

May ganung bisyo ang aktres na kapag gusto niyang kainin ang isang pagkain ay gagawa ito ng paraan para makain kahit pa sa hatinggabi.

Rocco bawal hawakan ang buhok

Maayos sa kanyang katawan si Rocco Nacino. Magandang magdala ng damit. Pero ayaw na ayaw nitong pahawakan ang kanyang buhok. Kapag umalis na siya ng bahay ay ayos na ayos ang kanyang buhok at ingat na ingat siya para hindi ito magulo.

Laking Singapore ang aktor at kaya lang umuwi ng bansa ay dahil na-miss ang mga kamag-anak. Marunong siya ng Chinese at tapos pa ng nursing. Nakakatulong ang kanyang kurso kapag may taping o syuting dahil kapag mali ang posisyon ng dextrose ay tsini-check ni Rocco.

 At least may fall back siya balang araw dahil puwedeng magtrabaho pa rin bilang nurse kahit sa ibang bansa kapag hindi na aktibo sa showbiz.

Arangkada sa kanyang career at natutuwa dahil mataas ang rating ng Bayan Ko at marami itong followers. Balik-tambalan sila ni Kylie Padilla sa Un­forgettable. Nagkapareha na sila noon sa The Good Daughter.

Kasama rin siya sa indie film na Burgos bilang si Jonas Burgos, ang kinidnap na aktibista noong 2007, at hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikita.

Makakatrabaho niya si Joel Lamangan at Lorna Tolentino sa nasabing proyekto. Sayang at ’di na natuloy ang Lam-Ang dahil kinapos yata sa budget.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BAYAN KO

GOOD DAUGHTER

JOEL LAMANGAN

JONAS BURGOS

KANYANG

KAPAG

KYLIE PADILLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with