^

PSN Showbiz

Kylie gustong ayusin ang bagong bahay ni Aljur

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Natawa na lang sina Mark Herras at Kylie Padilla sa intrigang nagkakadebelopan na sila sa taping ng Unforgettable kaya nakikita na silang mag­kasamang nagdi-dinner sa isang hotel. Pareho ang sagot nilang baka kamukha lang nila iyon.

Bihira nga raw sila nag-uusap sa set pero magkaibigan naman sila.

Hindi na rin apektado si Aljur Abrenica dahil magkaibigan naman sila ni Mark.

Kaya hindi rin daw totoong nagkakalabuan sina Aljur at Kylie dahil sa isyu kay Mark. Okay na okay daw sila ngayon ni Kylie. Sa katunayan, nadala na nga ni Aljur si Kylie sa bagong bahay nito at gustung-gusto raw ng young actress na siya ang mag-ayos ng bagong bahay ng boyfriend.

“Si Kylie kasi artistic na tao. Gusto   niyang i-design, gusto niya ganito, mga ganun. Marami pa siyang suggestions,” kuwento ni Aljur.

PAK: Pinasok na rin ni Ronald Singson ang pagpo-produce ng pelikula kasama si Neil Arce at si Andi Eigenmann dahil magkakaibigan sila.

Naintriga tuloy na baka hindi na sila friends ni Jomari Yllana dahil hindi nakasali rito ang aktor. Sabi naman ni Ro­nald, per project lang naman ang partnership nila ni Jomari pero magkaibigan pa rin naman sila. 

Nabuo nila ang pelikulang Co­ming Soon na tinatampukan nina Boy2 Quizon, Glaiza de Castro, Do­mi­nic Roco, at si Andi, sa produksiyon nilang Fearless Productions at Brown­sugar Entertainment.

Sa April 17 na ang showing nito.

BOOM: Hindi kami sinagot ni Yasmien Kurdi kung totoong bibinyagan na ngayong araw ang kanyang anak. 

Ang balita kasi namin sa Catholic church daw pabibinyagan ang anak na hindi pa yata alam ng mommy ni Yasmien na sarado Iglesia ni Kristo. 

Kaya siguro tahimik lang si Yasmien dahil ayaw na niyang magalit pa sa kanya ang kanyang ina.

Hindi rin kami masagot ni Yasmien kung nag-iba na ito ng relihiyon dahil sa Catholic church na niya pinabinyagan ang kanyang anak.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANDI EIGENMANN

FEARLESS PRODUCTIONS

JOMARI YLLANA

KAYA

SILA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with