^

PSN Showbiz

Kris lalayasan na ang showbiz, mas prayoridad ang mga anak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “I am tendering my resignation,” pasabog na pahayag ni Kris Aquino kagabi sa TV Patrol.

“I can’t speak about forever. I can speak about what’s best for my son,” nang tanungin ni Ted Failon kung totohanan na ang kanyang pagtalikod sa kanyang mga programa.

“ I’m tendering my resignation. Sa puso ng isang nanay, ito ang dinidikta sa ’kin.

 â€œI’m giving up my shows. Hindi ko sinasabi ‘yan just so that I can say na I’m the one making the bigger sacrifice,” bahagi ng mga sinabi ni Kris sa live interview ni Ted Failon kagabi.

Ayon kay Kris, walang alam ang lawyer niya sa sasabihin tungkol sa pagre-resign niya sa kanyang mga programa pero kailangan niyang gawin para sa kanyang anak.

“I’m giving up my shows. Tinatalikuran ko ‘yung mundo na bumuhay sa akin dahil higit sa karera ko mas mahal ko ang anak ko.

“I have to make a sacrifice. My family doesn’t deserve this suffering. I don’t want to be selfish,” bahagi pa ng interview ni Kris.

Samantala, klinaro rin lahat ni Kris ang mga naunang sinabi ni James tungkol sa nangyari noong December 3 : “I was inside my room. ’Yung pagpasok niya (James Yap) sa kwarto ko, pagtangkang paghalik sa akin, nilabag niya yung batas.

“Sinasabi niya (James) na I was making faces, umarte lang. Matalino anak ko. Alam niya kung anong totoo, ano ang palabas lang.

“Sabi ni Bimby, ‘Papa’s saying he didn’t hurt you. But I was there, I saw it.’ Iyak nang iyak ‘yung anak ko,” pangungumpisal ni Kris.

Kasamang humarap ni Kris sa nasabing interview ang kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel.

At ayon kay Ballsy, alam nila ang sama ng loob ni Bimby sa kanyang amang basketbolista.

“Kung nadidinig mo ‘yung bata, ‘yung sama ng loob niya, ‘yung takot, gusto naming protektahan siya. We have to support Kris, Bimby.

“Umabot na Bimby was saying, ‘I hate my papa.’ Sabi ni Kris, ‘No, don’t hate your papa.’ I said, ‘Your papa loves you.’

“Kahit annulled na kayo, we still treated you (James) well. ’Tapos ang ipo-portray mo magre-revenge kami porke’t pangulo (si Noy),” pagpapatuloy ng kapatid ni Kris.

Samantala, gulat na gulat daw ang pamunuan ng ABS-CBN sa naging decision ni Kris.

May duda ang ilan na sumama ang loob ng TV host-actress sa ABS-CBN nang eere ng TV Patrol ang mahabang interview ni James Yap tungkol sa isinampa ni Kris na Temporary Protection Order na gusto niyang gawing Permanent Protection Order laban sa dating asawa.

Sigaw ng abogado ni Kris na si Frank Chavez, James Yap sobrang sinungaling, P60 million ang natangay kay kris!

Brazen lie.

Ito ang sigaw ng legal counsel ni Kris Aquino sa mga sinabi James Yap na ginagamit ni Kris ang kapatid na Pa­ngulong Noynoy Aquino para takutin ang dating asawa.

“To me that’s a brazen lie, because Kris never said that. It is so uncharacteristic to assign this statement to Kris,” sabi ni Atty. Frank Chavez sa ABS-CBN.com.

Ayon pa kay Atty. Chavez, mas maraming importanteng bagay ang kailangang gawin ang pangulo.

“In all fairness to the president hindi siya nakikialam sa mga kaso ni Kris eh... I mean, with all the problems that our country has, why would the president even bother with this? It’s enough that the problem is being attended to by all her sisters. She (Kris) has the full support of her sisters,” sabi ni Atty. Chavez

“So hindi totoo ‘yan. The Cory Aquino and Ninoy Aquino fa­mily has never been noted to flaunt power, let alone cast influence. That family has been noted for doing what is right, and there is no deviation from that in this case.”

Sinabi pa ng abogado sa nasabing artikulo na kung gusto lang ni Kris gamitin ang kapangyarihan ng pamilya, noon pa sana - sa panahong inaayos ang kanilang annulment.

“Had she only wanted to use power and influence, she could have used that to avoid having to share the properties that she earned with Mr. Yap, but she did not.”

Hindi raw mukhang pera si Kris at ibinunyag niyang talunan sa nangyari ang kanyang kliyente. Sinabi rin niyang umabot sa halos P60 million ang nakuha ng basketbolista kay Kris na galing sa pinagpaguran ng TV host-actress.

“The records show - and we can prove it - that most of the property came from the labor of Kris, not James.

“He got P14.5 million in cash, he got real property. If you add that up all together, including the two sports cars, vehicles that he got, it’s more than P60 million,” sabi pa ng abogado.

“He doesn’t even spend for gasoline or electricity in the house. What he earns, he keeps to himself. That’s the kind of man you have,” sabi pa ni Chavez.

Oh oh. Parang malayo pa ang katapusan ng mga isyung ito.

Agot at Direk Joey nakisimpatya kay Heart

Dalawa lang sina Agot Isidro at Direk Joey Javier Reyes sa nag-react sa mga nangyayari kina Heart Evangelista at Chiz Escudero at sa ginagawa ng mga magulang ng aktres na sina Cecille at Ray Ongpauco na muling nagpa-presscon kahapon para sabihin na magdedemanda sila laban sa boyfriend ng anak at ang desisyon ni Heart na mag-resign na lang siya bilang manager.

Say ni Agot sa Twitter : “No parent can stop a child who is of legal age. Kahit magpa-presscon pa.

“And IF she makes a mistake (IF it is indeed one), let her. That’s what grown-ups do, make mistakes. And then rise above it.”

 At si Direk Joey : “A daughter of 28 years of human existence is no longer a child ... not unless she is a special child! Di ba??

“Parents yearn for what they THINK is best for their offsprings but the child still has the final say on what is her happiness.”

Tama naman sila. Meron bang magulang na puwedeng ipagdamot ang kaligayahan ng anak lalo na nga’t konting panahon na lang naman at wala na sa kalendaryo si Heart?

Hay ito ba ay istorya ng forbidden love.

Anyway, naiiyak na naman ang nanay ni Heart sa mga pa-presscon nito dahil naapektuhan na raw ang kalusugan ng kanyang asawa. Pero hindi ba sila naman ang nag-umpisa ng problema, sila ang unang nagpa-presscon.

By the way, isang source ang nag-klaro na hindi totoong ginagamit ng senador ang Mercedes Benz ni Heart. “Pinalinis at pinaayos ni Heart ‘yun sa friend ni Chiz. So nasa talyer ‘yun ng ilang araw. ‘Di kailangan ni Chiz ang sasakyan,” message ng source sa ibinabatong intriga ng magulang ng aktres sa senador.

 

 

 

 

vuukle comment

BIMBY

CHAVEZ

DIREK JOEY

FRANK CHAVEZ

JAMES

JAMES YAP

KANYANG

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with