^

PSN Showbiz

Cardinal Tagle nakaka-proud, malaki ang tsansa sa pagka-Santo Papa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kabilang ako sa milyun-milyong Pilipino na nag­darasal at umaasa na si Luis Antonio Cardinal Tagle ang kauna-unahang Asian na magiging Santo Papa.

Nakakaramdam ako ng pagmamalaki sa tuwing nanonood ako ng CNN at BBC news dahil madalas na nababanggit na malaki ang chance na maging Santo Papa si Cardinal Tagle. Magaganda ang mga feature story ng CNN at BBC tungkol sa Filipino Cardinal na malakas ang charisma at very humble.
   Sana nga, si Cardinal Tagle ang mapili bilang bagong Santo Papa dahil malaking karangalan ito, hindi lamang para sa ating bansa kundi para sa ating lahi.

Bianca mabilis na naka-move on kay John

 Ang tangkad na babae pala ni Bianca Manalo na first time ko na nakita sa post-Valentine party ng kanyang manager na si Jojie Dingcong.

Sa height difference pa lang, hindi talaga magtatagal ang relasyon nina Bianca at John Prats.
   Mabilis na naka-move on si Bianca sa breakup nila ni John dahil nababanggit na niya ang pangalan ng ex-boyfriend. Sa ganda ni Bianca, imposible na mawalan siya ng mga manliligaw.

John James tinakasan ng malisya sa katawan

Bold actor ang tawag kay John James Uy, ang sexy actor na talent din ni Jojie. Bold actor ang biro kay John James dahil wala itong takot sa paghuhubad. 

Tinakasan na yata si John James ng malisya sa katawan kaya hindi problema sa kanya ang magpa-sight ng hubad na katawan sa harap ng mga kamera.

Paolo B. pinagdududahan pa rin

Absent si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga noong Martes dahil matagal nang naka-schedule ang post-Valentine party ni Jojie.

Kung naging tunay na babae si Paolo, ang ganda-ganda niya. Tawa ako nang tawa sa kanyang biro na hindi niya isinuot ang T-shirt ng JLD Management dahil mas gusto ni Paolo na Venus cut ang T-shirt na kanyang gagamitin.

Marami pa rin ang nagtatanong sa tunay na sexual preference ni Paolo. Isa lang ang masasabi ko, huwag n’yo nang problemahin ang kanyang gender. What you see is what you get!

Paolo C. magbi-birthday nang bachelor na uli

Pag-usapan natin ang another Paolo, si Paolo Contis, ang aking alaga na magdiriwang ngayon ng kanyang 29th birthday.

Single na uli si Paolo kaya hindi ko alam kung sino ang kanyang makakasama sa birthday niya. Baka hiramin niya kay Lian Paz ang kanilang mga anak na sina Xonia at Xalene bilang maganda na uli ang relasyon nila, kahit malabo nang magkabalikan sila.

Ngayon din ang birthday ni Dindi Gallardo. May balak si Dindi na magbakasyon sa Pilipinas, anytime soon. Miss na miss na raw niya ang ating bansa.

Lauren kitang-kita ang tattoo sa kamay

May tattoo pala sa kamay ang young actress na si Lauren Young. “Young” ang naka-tattoo sa kamay ni Lauren at pansinin ito dahil malalaki ang letra.

Si Lauren ang kontrabida sa love team nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa Mundo Mo’y Akin. Hindi problema kay Lauren ang gumanap na kontrabida dahil maganda ang kanyang role at ang kuwento ng bagong primetime show ng GMA 7 na magsisimula sa March 18.

vuukle comment

BIANCA

CARDINAL TAGLE

DAHIL

JOHN JAMES

LAUREN

PAOLO

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with