^

PSN Showbiz

Mas enjoy ang tag-init sa Kapuso Network!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Marso, magiging mas masaya at makulay ang panahon ng tag-init sa pamamagitan ng mga bagong programa mula sa Kapuso Network. 

Mapapanood sa unang bahagi ng Summer sa Mundo ng Kapuso campaign ang Kapuso stars na itatampok sa mga programang magbubukas nga­yong buwan ng Marso na naglalaro ng sikat na cup stacking craze – patunay na mas masaya ang summer sa Kapuso! 

Ang bagong Kapuso shows ay binubuo ng Saturday night sitcom na Vampire ang Daddy Ko, ang bagong primetime drama na Mundo Mo’y Akin, at ang pinaka-aabangang concert na Foursome. 

Simula March 9, mapapanood na ang Vampire ang Daddy Ko na pinagbibida­han ng ace comedian at TV host na si Vic Sotto. Kasama niya sa kuwentong ito na tungkol sa isang pamilya na pinamumunuan ng isang bampira sina Oyo Sotto, Glaiza de Castro, Bea Binene, Derrick Monasterio, Jackie Lou Blanco, at Ms. Pilita Corales. Nariyan pa ang pinagkakaguluhang child wonder na si Ryzza Mae Dizon sa programang ito na hatid ng GMA 7 at MZet Productions. 

Sa Mundo Mo’y Akin, nagbabalik primetime ang tinitiliang love team nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Ipinakikilala rin dito ang bagong Kapuso young actress na si Lauren Young kabilang din ang mga mahuhusay at ki­nikilalang Kapuso stars na sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Jolina Mag­dangal, Gabby Eigenmann, at Jaclyn Jose. Isang kuwento na tiyak na tatatak sa puso ng mga manonood, ang Mundo Mo’y Akin ay mapapanood na ngayong March 18 sa GMA Telebabad.  

Kukumpleto sa listahan ng mga aabangan sa GMA ngayong Marso ang TV debut ng jampacked concert nina Concert King Martin Rivera, Concert Queen Pops Fernandez, multi-awarded singer-songwriter Ogie Alcasid, at Asia’s Song­bird Regine Velasquez. Sa unang pagkakataon, mapapanood ang matagumpay na pagsasama ng OPM royalties na ito sa concert stage sa pamamagitan ng Foursome ngayong March 24 sa SNBO.  

Gawing mas masaya ang summer. Abangan ang Summer sa Mundo ng Ka­puso campaign sa GMA 7 at bumisita rin sa www.gmanetwork.com para sa iba pang behind the scene photos.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BEA BINENE

CONCERT KING MARTIN RIVERA

CONCERT QUEEN POPS FERNANDEZ

DADDY KO

DERRICK MONASTERIO

GABBY EIGENMANN

KAPUSO

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with