^

PSN Showbiz

Restaurant nila Sarah, mga organic at natural na pagkain ang binibenta!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Marami nang parokyano ang restaurant ng mga magulang ni Sarah Geronimo, ang Emo’s Pancit.

Bukod sa specialty nilang pancit Malabon na mismong ang Mommy Divine ni Sarah ang nag­luluto, ipinagmamalaki nilang mga organic and natural ang mga sangkap ng mga pagkain nilang inihahain sa mga customer na karamihan ay mga suki na nila.

“Ako mismo ang na­ma­malengke. Umaga pa lang, nagpupunta na kami ni Daddy Delfin sa palengke para sariwa pa ang mabili namin,” sabi niya dati sa isang tsikahan.

As in mga 4:00 a.m. pa lang daw lumalarga na silang mag-asawa.

Bukod sa mga organic ingredient, freshly baked din daw ang bread and cupcakes nilang ibi­nibenta. Nung minsan ngang nag-imbita siya ng ilang kaibigan sa press, ipinatikim niya ang mainit-init pang carrot/banana bread na siya pa mismo ang nag-aalok na tikman. In fairness kay Mommy Divine, masarap at healthy dahil nga natural.

Masarap din ’yung niluto niyang crab na may kakaibang timpla at marami pang ibang pagkain.

Maging sa kanilang bahay daw ay conscious sila sa kinakain. Sinisiguro nilang organic ang kanilang mga kinakain kaya may ilan-ilan silang mga nakatanim na vegetables sa paligid ng bahay nila.

Sarili na nila ang lupa at bahay na ginawang restaurant.

“Kami lang ni Daddy ang nag-design niyan at namili ng mga kahoy. Naghanap kami ng mga magaganda at medyo mura,” sabi niya nang usisain kung sino ang nag-design ng Emo’s Pancit dahil nga ang ganda ng pagkakagawa.

Binili raw nila ang bahay at lupa at saka ipinaayos na lang.

Bukod sa pagiging restaurant nito, dito na rin nakatambak ang mga pinamimili niya sa isang high-end supermarket. Ang dami niyang nakare­serbang mga pagkain at kung anik-anik.

Kaya nga sabi nang naka­kita, paanong ­na­­­t­si­­tsismis na kuripot ang mommy ni Sarah na kung mamili raw ay parang wala nang bukas?

Saka kung nagkuripot man siya, may kinalabasan naman dahil nakikita nila kung gaano kagaganda at kamamahalin ang gamit nila.

May punto naman.

Matatagpuan ang Emo’s Pancit along Mindanao Ave­nue sa Quezon City malapit sa kanilang bahay.

Maja at Gerald parating magkasama, Maja panay ang eklay na wala silang relasyon

Kahit pa pinagdidiinan ni Maja Salvador na hindi pa sila ni Gerald Anderson, iba naman ang sinasabi niya sa nakikita sa kanila.

Kahapon lang ay nakita silang magkasama at kasama rin sina Rayver Cruz, Jason Abalos, at iba pa nilang mga kaibigan.

Nasa isang resort sila at mukhang ini-enjoy nga nila ang pagiging magkarelasyon kahit nag-deny si Maja na sila na nga. Ang eklay niya, hindi pa sila at ayaw niyang masyadong magpaliwanag dahil iba naman ang pinaniniwalaan nila.

Dala-dala pa ni Maja ang paborito niyang doggie sa nasabing photo.

Marahil ay gusto lang nilang pakalmahin ang fans na kontrang-kontra sa kanila kaya nag-deny si Maja.

Kung sabagay, bakit kasi hindi lang pabayaan sila Maja at Gerald. Wala namang masama kung maging sila. Alam na nila ang kanilang ginagawa.

vuukle comment

BUKOD

DADDY DELFIN

EMO

MAJA

MOMMY DIVINE

NILA

PANCIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with