^

PSN Showbiz

Martin tuloy ang pag-e-emote sa network war!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakita namin ang poster ng Valentine concert na Foursome sa diyaryo last Sunday at napansin na­ming wala pa ring pangalan ng apat ang poster. Pero sa presscon ay nabanggit na ni Jun Lalin, publicist ng concert, na ang billing ay Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez.

Na-tweet minsan ni Martin na nagkaproblema siyang mag-promote ng Foursome sa ABS-CBN dahil kinakansela ang guesting niya ’pag nalalamang sa GMA 7 ang airing ng concert. Co-producer kasi ang GMA Network ng Star Media sa concert na gagawin sa The Arena ng Mall of Asia sa Feb. 14.

Sa presscon, ang airing ng concert ang binigyan ng concern ni Martin dahil sa tanong kung nakatitiyak ba siyang hindi mai-edit ang performance niya dahil Kapamilya talent siya at sa GMA 7 ang airing nito?

 â€œSana ’di ganoon ang mangyari. We’re all from the same industry and same station take it personally. This has to stop. My dream is for both stations to show the TV coverage of this concert. Our producer is planning to talk with both stations,” pahayag ni Martin.

Walang guest sa concert. Hindi na kailangan dahil sa apat pa lang ay kulang na ang two hours na show.

Max iginalang ni Neil Ryan kahit ginagahasa

Ang kapal ng dala-dalang script ni Max Collins nang makita namin sa taping ng Pahiram ng Sandali. Good for two weeks ang script at kaya dala ng aktres ang script sa previous week dahil may mga naiwan pang eksenang kukunan si Direk Maryo J. delos Reyes.

May ilang mabibigat na eksena si Max, kasama ang rape scene niya kay Andrew (Neil Ryan Sese). Sa tanong kundi ba siya nasaktan sa eksena, hindi raw dahil gentleman si Neil Ryan at hindi nag-take advantage.

Direk Maryo bumilib sa acting ni Max

Samantala, naniniwala si Direk Mar­yo na malayo pa ang mararating ni Max dahil magaling itong artista at nakikita naman sa Pahiram ng Sandali. Gusto ni Direk Maryo na igawa ng pelikula si Max, sasabihin daw niya kay Mother Lily Monteverde. Kaya lang, prinoblema ng direktor kung sino ang babagay na leading man ng dalaga.

Tuwang-tuwa naman si Max sa narinig kay Direk at ipagdarasal niyang matuloy ito dahil noon pa niya gustong gumawa ng pelikula. Kailangan lang, mas taller kay Max ang makakapareha para magandang tingnan.

Sharon bakasyon grande muna sa Amerika, susunod na show pinag-iisipan pa

Sa February pa raw babalik sa ban­sa si Sharon Cuneta dahil after ng concert niya sa Penchanga sa Teme­cula, California, USA kung saan guest si KC Concepcion, nag-extend ito ng stay sa States para magbakasyon.

Pagbalik ni Sharon, sana magkaroon ng linaw kung ano ang ipapalit ng TV5 sa nakansela niyang Sharon, Kasama Mo Kapatid. By this time, nakapag-decide na siguro si Vic del Rosario kung anong concept ang babagay kay Sharon dahil sabi ng isang taga-TV5, ibinato na nila sa manager ni Megastar ang ilang concept ng show.

Minsan ay na-tweet ni Sharon na may gagawin siyang movie this year sa Viva Films at gagawa siya ng album sa Viva Records. Sana matuloy lahat ang projects niya para sa kanyang loyal fans na full pa rin ang suporta sa kanya kahit anong mangyari.

 

vuukle comment

CONCERT

DAHIL

DIREK MAR

DIREK MARYO

DIREK MARYO J

JUN LALIN

KASAMA MO KAPATID

MAX

NEIL RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with