^

PSN Showbiz

Feng Shui magbibigay ng pampasuwerte sa Todo Na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panauhin ngayong Sabado sa GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes Todo Na o pagbasa ng kinabukasan.

Ang Taon ng Water Snake sa kalendaryong Tsino ay nagbabadya raw ng mga pagbabago, ayon sa ginoo. Pagbabago sa larangan ng kagandahan, karera at iba pang hanapbuhay.  Ayon pa rin dito’y pag tinawag kang ahas o snake, hindi ito pamimintas kundi paghanga.  Kasi nga, ang kahulugan ng ahas ay – “the wise and the beautiful.”

Pruweba ng kasikatan at dami nang naniniwala sa feng shui, by appointment daw ang pagkunsulta sa ginoong ito.

Kahit ano pa ang papasok na tao’y talagang sinasadya ng beauty guru na si Mader Ricky Reyes ang paggawa ng mga bagong ayos ng buhok at make up.  “Para maging kapansin-pansi’y dapat na laging may bago sa’yong anyo.  At ang mga kabaguhang ito’y dapat iayon sa korte ng  mukha, kulay ng balat at edad,” ani Mader.

Malaking pagbabago rin sa kinabukasan ang inaasahan ng mga nagtapos sa Ricky Reyes Learning Institute na nagsabing puhunan nila sa kinabukasan ang mga natutuhan nila sa mga bihasang guro sa nasabing paaralan.   Magbibigay naman ng beauty tips ang programa para sa mga kabataan.

Sa Make Over Magic ay mga senior citizens ang aayusan.  May iinterbyuhin si Mader na isang Kapuso na dating beauty queen na magbibigay ng paliwanag kung bakit ito’y nagpa-liposuction. Siyempre naman dahil ang paniwala nito’y – once a beauty queen always a beauty queen. 

 

vuukle comment

ANG TAON

GANDANG RICKY REYES TODO NA

MADER

MADER RICKY REYES

RICKY REYES LEARNING INSTITUTE

SA MAKE OVER MAGIC

WATER SNAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with