^

PSN Showbiz

Puson lumaki, mas lalong pinagsuspetsahang buntis Sarah L. tinulungang makaalis ni Annabelle Rama

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ini-launch na ang bagong stage play ni BB Gandanghari na Halik ng Tarantula sa Teatrino kahapon, pero wala pa rin pala silang napiling gaganap na Valentin.

Namimili pa rin sila kung sino ang nababagay sa na makaka-partner niya. Pero kung siya ang tatanungin, ang peg daw sana niya ay mala-Mark Gil nung kabataan nito. Kung nag-audition sana si Sid Lucero baka puwede siya. Pero namimili na raw sila ngayon sa mga nag-audition na ang iba ay mga indie actors, modelo at baguhan pa lang sa showbiz.

Sabi pa ni BB, provocative daw at medyo da­ring siya sa stageplay na ito, kaya nung kinunsulta raw niya ito sa Mommy Eva niya at ilang kapatid, nasabi na raw sa kanya na hindi na raw nila kaka­yaning panoorin ang naturang stageplay.

PAK: Ini-launch na rin si Coco Martin kahapon bilang bagong endorser ng Max’s Restaurant at excited siya sa proyektong ito dahil dati pala siyang nagtatrabaho sa Max’s Fairview.

Sa press launch nito kahapon, iniwasan ni Coco na sagutin ang isyu nitong pagpapabaya umano sa anak niya kay Katherine Luna.

“May tamang panahon po para sagutin ko ‘yan. Sa ngayon po hindi ko naman kailangan sagutin ang mga ganung personal na isyu,” tipid na sagot ni Coco.

BOOM: Mataas ang rating ng Indio na nagsimula na  kamakalawa ng gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Doon napanood ang kontrobersiyal na eksena ni Sarah Lahbati, at pinag-usapan dahil kapansin-pansin daw na malaki ang puson nito, kaya pinagdududahang baka buntis nga ito.

Sabi naman ni Tita Annabelle Rama sa amin, hindi raw niya tinanong si Richard Gutierrez tungkol dito, at baka sitahin pa raw siya na pati ba naman siya naniniwala sa ganung tsismis. Pero wala raw talaga siyang nakitang sign na baka buntis ito. Kaya tinitiyak na talaga sa amin ni Tita Annabelle na hindi buntis si Sarah.

Nakaalis na nga si Sarah kasama ang Mommy nito patungong Switzerland, at tinulungan ni Tita Annabelle na maayos ang pag-check-in nina Sarah sa airport at sinamahan niya ito hanggang pre-departure area.

vuukle comment

COCO MARTIN

INI

KATHERINE LUNA

MARK GIL

MOMMY EVA

NIYA

PERO

RAW

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with