^

PSN Showbiz

Zaijian ayaw maging jobless

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Eleven years old na si Zaijian Jaranilla o Santino at sa edad niyang ito ay inamin nang takot siyang malaos na. Ayaw nitong matulad sa ibang child stars na unti-unti nang nawawalan ng proyekto at hindi na mapagkikita ng mga tao.

Pangarap ni Zaijian na makilala bilang mahusay na artista sa kanyang paglaki at sumunod sa yapak ni John Lloyd Cruz.

Bida ang child actor sa 13-week season ng Wan­sapanataym sa mga episode na Gagambuboy, Kapitan Liit, at iba pang karakter na gagampanan.

Nagsimula na ito noong Jan. 5 sa ABS-CBN.

Kissing scene ni Geoff kay Heart hindi big deal kay Carla

Maganda ang takbo ngayon ng career ni Geoff Eigenmann dahil sunud-sunod ang kanyang proyekto. Siya ang kapareha ni Heart Evangelista sa Forever ng GMA 7. Dual ang role niya rito bilang si Ramon na isang magsasaka at Patrick bilang isang pintor.

May kissing scenes nila ni Heart na teleserye pero hindi ito big deal sa girlfriend ni Geoff. Hindi rin naman kasi selosa si Carla Abellana kaya nagkakasundo silang dalawa.

May wedding plans na rin ang magkasintahan pero hindi pa handang lumagay sa tahimik. Nag-iipon pa ng pera si Geoff para sa proposal at marriage balang araw.

Tom nakipag-manu-mano lang sa action scene

Nagbabalik si Tom Cruise sa aksiyon via Jack Reacher, isang ex-military investigator. Malayo ito sa mga peligrosong stunts na ginagawa niya sa nakaraang mga pelikula na mula sa simula hanggang sa wakas ay umaatikabong aksiyon ang makikita.

Manu-mano ang istilo niya this time sa pakikipagbakbakan sa mga kaaway at ang kanyang car chase scene ang tiyak na hahangaan sa malaking pelikula.

Nag-concentrate si Tom sa kanyang acting bilang si Jack Reacher. May halo rin itong katatawanan kasama ang supporting actor na si Robert Duvall. Katambal niya si Rosamund Pike pero walang romansa o halikan man lang na namagitan sa dalawa. Ganun man, nag-enjoy ang mga manonood sa Jack Reacher na palabas pa ngayon sa inyong paboritong mga sinehan.

Mula sa Solar Entertainment Corporation at United International Pictures ang naiibang pelikula ni Tom Cruise.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

HEART EVANGELISTA

JACK REACHER

JOHN LLOYD CRUZ

KAPITAN LIIT

ROBERT DUVALL

TOM CRUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with