^

PSN Showbiz

Iza may masaklap na nakaraan sa ex-BF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malalantad na rin sa wakas kay Andrea (Iza Calzado) ang katotohanang ang mismong ex-boyfriend na si Rafael (Jake Cuenca) ang taxi driver na nanggahasa sa kanya sa hindi dapat palampasing paghaharap ngayong Lunes (Jan. 14) sa Kahit Puso’y Masugatan.

Sa isang surprise kay Andrea, pinasabog ni Veronica (Andi Eigenmann) ang katotohanan matapos nitong ibigay bilang regalo kay Andrea ang pinanghahawakang ebidensiya na siyang magdidiin kay Rafael bilang kanyang rapist.

Paano tatanggapin ni Andrea ang rebelasyon? Aakuin ba ni Rafael ang krimen o tatakasan niya ang batas? Ano ang magiging reaksiyon ni Miguel (Gabby Concepcion) na ang mismong anak ang nambaboy sa babaeng pinakamamahal niya at ama ng dinadala nitong bata na siya palang magiging apo niya? Sunud-sunod na pasabog ang mapapanood sa huling tatlong linggo ng Kahit Puso’y Masugatan, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng A Beautiful Affair sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

ANDI EIGENMANN

ANDREA

GABBY CONCEPCION

IZA CALZADO

JAKE CUENCA

KAHIT PUSO

MASUGATAN

PRIMETIME BIDA

RAFAEL

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with