^

PSN Showbiz

Dingdong tinatanaw na utang na loob sa GMA ang pagkapanalong best actor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Excited si Dingdong Dantes sa pagkapanalo bilang best actor sa Metro Manila Film Festival para sa One More Try. Nakahabol siya bago matapos ang Gabi ng Parangal kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita at matanggap ang award.

Nagpapasalamat ito sa GMA dahil pinayagan siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Pangalawang award na niya ito sa MMFF kaya walang duda ang paging mahusay niyang actor.

Jack Reacher papasok na

Tampok si Tom Cruise sa pagpasok ng 2013 para sa pelikulang Jack Reacher ng Solar Entertainment at United International Picture. Si Jack Reacher ay isang matinik na ex-army, isang military investigator. Ang mahiwagang taong ito at solo kung kumilos pero kilala niya ang suspek. Ang balita sa media ay sapat na upang lumabas siya sa tahimik na kanlungan para makipagtulungan sa mga otoridad tungkol mamatay-tao sa kulungan. May pinagsamahan sila sa nakaraan at ito ang gusto niyang patunayan na ang taong ito nga ang kriminal.

Umaatikabong aksiyon ang Jack Reacher mula sa panulat at direksiyon ng Academy award filmmaker na si Christopher Mcquarrie. Bida pa rin bukod kay Cruise sina Rosamund Pike, Robert Duvali, Richard Jenkins, at Werner Herzog. Ito’y prodyus nina Tom Cruise, Dong Granger, Paula Wagner, at Gary Levinson.

Palabas na sa Enero 9 sa inyong mga paboritong sinehan.

 

vuukle comment

CHRISTOPHER MCQUARRIE

DINGDONG DANTES

DONG GRANGER

GARY LEVINSON

JACK REACHER

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ONE MORE TRY

PAULA WAGNER

RICHARD JENKINS

TOM CRUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with