^

PSN Showbiz

Bagong bahay sa Forbes nalipatan na nila Pacquiao, pagbabasa ng Bible pinagkakaabalahan ng boksingero

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Triple ang bilang ng mga tao na nanood ng annual Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2012 sa Roxas Boulevard, Manila City noong Linggo. Tama ang pasya ng MMFF organi­zers na idaos ang parada sa araw ng Linggo.

SCENE: Malakas ang laban ng float ng El Presidente sa Best Float category ng Metro Manila Film Festival 2012. Maganda ang design ng El Presidente float.

SEEN: Si Baby James Yap sa float ng Siste­rakas sa Parade of Stars noong Linggo.

SCENE: May pag-amin ni Kris Aquino sa Gandang Gabi Vice na hindi sila okay ng kanyang ex-husband na si James Yap at hindi sila magiging okay. Pareho na ng kapalaran sina James at Phillip Salvador nang mahiwalay kay Kris.

SEEN: Hindi matutuloy ang balak ni Paulo Avelino na ipagdiwang ang Pasko sa Baguio City. Ngayong Dec. 25 ang kaarawan ni LJ  Reyes, ang live-in partner ni Paulo.

SCENE: Ipagdiriwang ng pamilya ni Congressman Manny Pacquiao ang Pasko sa kanilang bagong bili na bahay sa Forbes Park, Makati City. Ang pagbabasa ng Bible ang ginagawa ni Pacquiao sa Forbes Park home nila ni Jinkee.

SEEN: Pro-RH Bill si Rhian Ramos at sinabi niya ang kanyang stand sa presscon ng Sosy Problems. Habang nagpapaliwanag si Rhian, biglang sumingit sa pagsasalita ang kanyang co-star na si Heart Evangelista na nagsabi na hindi tungkol sa abortion ang Reproductive Health Bill.

SCENE: P1,600 ang halaga ng season pass ng Metro Manila Film Festival 2012. Limang piso lang ang babayaran ng mga masuwerteng nabigyan ng season pass dahil mapapanood nila ang lahat ng mga pelikula na kalahok sa MMFF.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BEST FLOAT

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

EL PRESIDENTE

FORBES PARK

GANDANG GABI VICE

LINGGO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PARADE OF STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with