^

PSN Showbiz

Jessica Soho ipapakita ang iba’t ibang recipe ng paella

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, December 23, babalikan ang mga istor­yang itinampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na talaga namang naging trending topic sa taong ito.   

Muling mapapanood ang paghahanap ni Joemil kay Mang Roldan, ang taong nagpabago sa pananaw ng kanyang buhay. Bibisitahin silang muli ng KMJS upang kamustahin ang papalapit nilang Pasko. Babalikan din ang kuwento ni Sonja March na bagamat walang boses, naipabatid naman ang ka­niyang ligaya matapos makita ang nawalay niyang BFF o Best Friend Forever sa loob ng mahigit dalawampung taon na si Erlinda. Magpapatili namang muli ang all-male Pinoy dance group na pinagkakaguluhan ng mga kabataan ngayon - ang Chicser! At handa ng KMJS ngayong Noche Buena, ang iba’t ibang recipe ng Paella! 

Sa darating namang December 30, ang 2012 out of the country trips ng KMJS bibidang muli pati na rin ang mga paandar na kanta at sayaw na nauso ngayong taon. Tampok din ang mga natatanging naka-one-on-one interview ni Jessica na local at international celebrities.  At siyempre hindi mawawala ang mga pinakamasasarap na pagkaing inihain ng programa!  

Lahat ng ‘yan sa Best of Kapuso Mo, Jessica Soho nga­yong Disyembre 23 at 30 na, Linggo ng gabi, 7:45pm bago ang Agaw-Eksena 2012 Ulat ni Mike Enriquez sa GMA-7.

 

vuukle comment

BEST FRIEND FOREVER

BEST OF KAPUSO MO

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

MANG ROLDAN

MIKE ENRIQUEZ

NGAYONG LINGGO

NOCHE BUENA

SONJA MARCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with