^

PSN Showbiz

Replay ng laban ni pacman ayaw nang panoorin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Shocked pa rin ang mga supporter ni Congressman Manny Pacquiao dahil hindi sila makapaniwala sa naging resulta kahapon ng paghaharap nila ni Juan Manuel Marquez.

May mga tagahanga si Papa Manny na ayaw panoorin ang replay ng laban nila ni Marquez at ang mga news program dahil hindi nila matanggap ang nangyari.

May mga nakaranas ng depression dahil hindi mawala sa kanilang isip ang eksena na humahagulgol ng iyak si Jinkee Pacquiao. Malungkot kahapon ang buong Pilipinas na tanggap ang pagkatalo ni Papa Manny pero hindi raw sana sa ganoong paraan.

Kung apektado ang lahat sa pagkatalo ni Papa Manny, higit na apektado ang kanyang nanay na si Dionisia Pacquiao.

Hinintay ng lahat ang reaksiyon ni Mommy Dionisia na iniiwasan na panoorin ang mga laban ng kanyang anak.

Ang pagdarasal para sa tagumpay ni Papa Manny ang tradisyon ni Mommy Dionisia sa tuwing may laban ang anak. Madalas na nahihimatay si Mommy Dionisia dahil taimtim na taimtim ang kanyang pagdarasal.

Hinihintay ang pag-uwi nina Papa Manny at Jinkee sa Miyerkules. Gustong malaman ng ating mga kababayan ang kanyang mga plano.

Ipapagpatuloy pa ba ni Papa Manny ang paglalaro ng boxing o gugugulin niya ang oras sa public service?

Susundan ni Jinkee ang yapak ng kanyang asawa dahil papasok din siya sa mundo ng serbisyo publiko. Kakandidato si Jinkee na vice governor ng Sarangani Province sa May 2013.

MMFF ramdam na!

Back to normal ang showbiz pagkatapos ng historical na pangyayari kahapon sa boxing.

Sa rami ng mga presscon dahil palapit nang palapit ang Metro Manila Film Festival (MMFF), iba na ang pag-uusapan ng mga reporter, ang mga pelikula na kasali sa MMFF 2012.

Walong pelikula ang sabay-sabay na magbubukas sa mga sinehan sa Dec. 25, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako, Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion, One More Try, Sisterakas, Strangers, El Presidente, Sosy Problems, at ang Thy Womb.

Dalawa na lang sa walong official entries ang hindi pa nagpapatawag ng presscon, ang Thy Womb at Sosy Problems. Imposible na hindi magkaroon ng presscon ang Sosy Problems dahil ang GMA Films ang producer ng pelikula.

May special participation si Ruffa Gutierrez sa Sosy Problems kaya ang boses niya ang maririnig sa trailer ng pelikula.

Bagay na bagay si Ruffa sa Sosy Problems dahil sosy siya sa tunay na buhay. Co-stars ni Ruffa sa Sosy Problems ang mga artista na sosy din ang mga image, sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, at Heart Evangelista.

 

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

DIONISIA PACQUIAO

JINKEE

MOMMY DIONISIA

PAPA MANNY

SOSY

SOSY PROBLEMS

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with