^

PSN Showbiz

Oras na pakialaman ang anak niya: ina ng anak ni Coco ‘nagbantang’ papatay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mapapanood na ngayong araw ang bagong game show ng GMA 7 na Celebrity Bluff pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Kuwela ang tatlong host dito na si Eugene Domingo lalo na sina Jose Manalo at Wally Bayola dahil minsan umaarte na lang silang nagba-bluff para hindi mabuking na hindi nila alam ang sagot sa tanong ni Uge.

Pero may ilang celebrity guests na hindi lang naba-bluff kundi muntik-muntikan nang mag-walk out.

Lalong pinalakas ang Sabado ng GMA 7 dahil meron pang pagbabalik ng Magpakailanman na ang unang episode nito ay tungkol sa buhay ng Internet sensation na si Zendee Rose Tenerife na gagampanan ni Louise delos Reyes.

Mapapanood naman ito mamayang gabi pagkatapos ng Extra Challenge.

PAK: Tikom ang bibig nina Rocco Nacino at Sheena Halili tungkol sa isyung breakup dahil hindi pa naman sila umaming naging sila.

Hanggang MU lang ang nasabi nila at kiye­meng nagbibigay ng inspirasyon sa isa’t isa ka­ya hindi nga naman magandang tingnan na mag­­sa­salita na ng tungkol sa breakup kung hindi pa sila umaming officially nag-on na sila.

Kaya kapag magsimula kang mag-interview sa kanila, may pasabi agad na walang tanong tungkol sa love life.

BOOM: Hindi napigilan ni Katherine Luna ang maluha nang muling napag-usapan ang tungkol sa pagiging ama ni Coco Martin sa pa­nga­nay niyang anak.

Pitong taon na ang anak ni Katherine at nakikita niyang proud na proud ang anak niya kapag napapanood ang ama nito sa TV.

Hindi lang niya alam kung ano ang sasabihin niya sa anak niya kapag humiling na itong gusto niyang makilala ang kanyang ama.

“Hindi ko naman ipagkakait ang anak ko sa kanya. Kung sakaling magkita sila at magpakilala na ang anak ko sa kanya, huwag lang sana masaktan ang anak ko kung ano ang masasabi niya.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung masasaktan ang anak ko. Baka makapatay ako ng tao,” lumuluhang pahayag ng aktres.

Gusto nang bumalik ni Katherine sa pag-aar­tista pagkatapos niyang manganak sa pang-lima niyang anak.

Abangan ang madamdaming pahayag ni Ka­therine sa Startalk mamayang hapon.

 

vuukle comment

ANAK

CELEBRITY BLUFF

COCO MARTIN

EUGENE DOMINGO

EXTRA CHALLENGE

JOSE MANALO

KATHERINE LUNA

MAPAPANOOD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with