^

PSN Showbiz

Pinay Internet sensation ipinagmamalaki ang karanasan kay Hale Berry

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakabalik na pala mula sa US si Zendee Rose Tenerife, ang Internet sensation na gustong masundan ang yapak ni Charice.

Nakunan ng mga TV crew ang pagdating ni Zen­dee sa Pilipinas noong Linggo.

Ipinagmalaki ni Zendee na naranasan niya na ma-hug ni Hale Berry dahil magkasabay ang guesting nila sa show ni Ellen DeGeneres.

Ikinuwento ni Zendee na na-sight niya na tear­y-eyed si Ellen habang kumakanta siya kaya tumulo rin ang kanyang luha.

Ang guesting niya sa Ellen ang isa sa mga claim to fame ni Zendee na dapat palitan ang screen name dahil mahirap matandaan ang kanyang apelyido.

Mas mabuti pa yata na huwag nang gamitin ni Zendee ang kanyang forgettable na family name.

Paolo at Lian hindi na dapat magsalita

Marami ang agree sa aking opinyon na huwag nang magsalita sa TV sina Paolo Contis at Lian Paz.

Kung anuman ang kanilang mga problema, pag-usapan na lang nila nang personal.

Bago sila mag-emote sa publiko, isaalang-alang muna nila ang kanilang mga anak na inosente.

Kung hindi na talaga sila magkakabalikan, puwedeng maging magkaibigan sina Paolo at Lian tulad ng ibang mga showbiz couple na nagkakahiwalay.

Trabaho ni Tonton, nabawasan

Nabawasan ng ginagawa si Tonton Gutierrez dahil hindi na kasali sa 2012 Metro Manila Film Festival ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel Productions.

Hindi naman shelved ang project. Tuloy pa rin ang shooting pero next year na ang showing ng pelikula.

Si Alex Gonzaga ang co-star ni Tonton sa Mga Kuwento ni Lola Basyang bilang co-production venture ito ng Studio 5 ng TV5.

Demanda ni Dindi, wala pang bagong development

Wala pang bagong development sa mga kaso na isinampa ni Dindi Gallardo laban sa American comic writer na si Frank Miller at sa girlfriend nito na si Kimberley Cox, ang babae na malakas ang loob na mang-alipusta pero ‘di naman kagandahan.

Twenty days ang ibinigay ng korte para sagutin ng mag-dyowa ang mga bintang sa kanila.

Nag-text noon si Dindi sa akin pero nagpasalamat lang siya sa mga suporta na natatanggap niya. Wala siyang sinabi o ikinuwento tungkol sa mga bagong kaganapan sa demanda niya laban kina Miller at Cox.

Magpakailanman ni Mel, ibabalik

Magbabalik na sa TV ang Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Siyempre, ang GMA 7 ang magbabalik sa ere ng dating top rating program ni Mama Mel.

Hindi lang ako sure sa bagong araw at timeslot ng Magpakailanman. Malay natin, baka maulit ang pagtatapat ng show ni Mama Mel at ng Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio gaya nang nangyari noon.

Alden namigay ng puto

Ang thoughtful ni Alden Richards dahil nagdala pa siya kahapon ng Puto Biñan sa press interview sa kanya.

Nakatira si Alden sa Sta. Rosa, Laguna at nag-effort siya na sumaglit sa Biñan para bumili ng napakasarap na puto.

Hindi pa binibigyan si Alden ng bagong TV series pero hindi siya mami-miss ng kanyang fans dahil sa re-run ng One True Love na pre-programming ng Cielo de Angelina.

Ibinalik ng GMA 7 ang One True Love dahil sa request ng fans na gustong mapanood uli ang kabuuan ng dating primetime show ng Kapuso Network.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CHARO SANTOS-CONCIO

DINDI

LOLA BASYANG

MAGPAKAILANMAN

MAMA MEL

MGA KUWENTO

ONE TRUE LOVE

ZENDEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with