^

PSN Showbiz

Belo nanguna sa survey ng Reader's Digest!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Tinanong ako kahapon ni Cristalle Belo-Henares tungkol sa mga beauty issue ko. Sinabi ko sa kanya na wala akong problema sa beauty pero marami akong financial issues at malulutas ito kung bibigyan niya ako ng datung. Natawa lang ang anak ni Dr. Vicki Belo as in hindi niya ako sineryoso.

Ipinagpatuloy na lang ni Cristalle ang explanation niya tungkol sa beauty issues na nalulutas ng Belo Medical Clinic tulad ng uneven skin tone ni Jennylyn Mercado, ang flabby arms ni Grace Lee, ang peklat sa mukha ni Coco Martin at ang breast augmentation kay Phoemela Baranda na nadagdagan ang confidence mula nang lumaki ang kanyang bumpers.

Hindi puwedeng i-deny na ang Belo Medical Clinic ang number one beauty clinic ng bansa.

Sa survey na ginawa ng Reader’s Digest, ang beauty clinic ni Mama Vicki ang number one sa Pilipinas at kilalang-kilala ng mga tao. Kung ang pagpapaganda ang pag-uusapan, ang Belo Clinic ang unang pumapasok sa isip ng mga Pinoy. Ganyan kalaki ang tiwala nila sa Belo Medical Clinic na pilit na ginagaya pero hindi mapantayan ng ibang mga beauty clinic.

Hindi nakarating kahapon si Jennylyn Mercado sa Beauty Issues ng Belo Medical Clinic at kung bakit, hindi ko na inalam.

Early bird si Phoemela Baranda kaya ito ang unang ininterbyu ng entertainment press na parang nag-attend sa isang seminar dahil sa lecture ng mag-inang Dra. Belo at Cristalle.

Late comer si Grace Lee kaya nagbiro ako na hindi na siya talaga babalikan at pakakasalan ni P-Noy. I repeat, biro lang ’yon. Hindi dapat seryosohin ng Korean society ’no?!

LT shocked sa umaapaw na bisita ni Sen. Bong

Pinag-uusapan kahapon sa presscon ng Belo Medical Clinic ang well-attended birthday party ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Manila Diamond Hotel.

Kahapon ang actual birthday ni Bong kaya parang salubong ang big birthday celebration niya na dinaluhan ng sangkatutak na bisita.

Ang sabi nga ng isang eyewitness, present sa party ni Bong ang lahat ng photographers sa buong Pilipinas at ang mga gaka sa Metro Manila. Hindi na nga nagkita ang ibang mga bisita dahil sa rami ng mga tao na bumati kay Bong ng happy birthday.

Pati nga si Lorna Tolentino na sanay nang umapir sa mga birthday party ni Bong, na-shock dahil every year, nadaragdagan daw ang bilang ng mga bisita ng kanyang kumpare. May trabaho dapat si LT noong Lunes pero noon pa niya sinabi sa akin na ilibre ko ang schedulule niya ng Sept. 24 dahil pupunta siya sa party of the year.

Pamilya Revilla kumpleto sa birthday ni Bong

I’m sure, pagod na pagod sina Bong at Lani Mercado sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita dahil hindi madali ang mag-ikot sa Grand Ballroom ng Manila Diamond Hotel para ma-acknowledge nila ang lahat ng mga bisita.

Kumpleto ang attendance ng Revilla Family na kilala sa pagiging clannish. One for all, all for one ang pamilya ng mga Revilla. Hindi puwedeng hindi sila magkakasama sa mga mahahalang okasyon, mapa-birthday, Pasko, Bagong Taon, etc.

vuukle comment

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

BONG

CLINIC

GRACE LEE

JENNYLYN MERCADO

MANILA DIAMOND HOTEL

PHOEMELA BARANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with