^

PSN Showbiz

Cesar sinamahan si Aga sa isang maaksiyong adventure sa Bohol!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo sa episode ng Pinoy Explorer, isang sikat at proud na Boholano ang magiging tour guide ni Aga Muhlach sa kanyang paglalakbay. Ito’y walang iba kundi ang matalik na kaibigan at kapwa-Kapatid star na si Cesar Montano!

Sabay na sumabak ang dalawa sa paglangoy kasama ng mga dolphin sa isla ng Pamilacan. Nag-rappelling din sila sa gubat ng Danao. Pero ang highlight ng paglilibot nina Aga at Cesar sa Bohol ay ang pagdalaw nila kay Prony, ang pinakamalaki at pinakamahabang reticulated python in captivity. 

Samahan sina Aga at Cesar sa maaksiyong exploration ng Bohol ngayong Linggo, September 2, 6:30PM, pagkatapos ng Pidol’s Wonderland at bago mag-Talentadong Pinoy sa TV5.

Balong, bagong laman ng puso ni Andrea?

Maguguluhan ang puso ni Andrea (Iza Calzado) dahil sa hiling sa kanya ng kapatid-kapatirang si Veronica (Andi Eigenmann) na mapasa-kanya ang kasintahan nitong si Rafael (Jake Cuenca) ngayong linggo sa Kahit Puso’y Masugatan.

Mahal ni Andrea si Veronica ngunit iniibig din niya si Rafael. Sa kanyang pag-iisip sa pagpaparayang gagawin ay magkakagaanan sila ng loob ni Balong (Marx Topacio). Si Balong na kaya ang maging daan para sa tuluyang pagpapaubaya ni Andrea kay Rafael para kay Veronica?

Huwag palalampasin ang mas umiinit pang tagpo sa Kahit Puso’y Masugatan, pagkatapos ng Lorenzo’s Time sa ABS-CBN Primetime Bida

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANDI EIGENMANN

ANDREA

BALONG

BOHOL

CESAR MONTANO

IZA CALZADO

JAKE CUENCA

KAHIT PUSO

RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with