^

PSN Showbiz

Mestisong actor hinihintay bumagsak nang manager na iiwan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Ngayong araw ang showing ng I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila nina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Eugene Domingo, at Gary Valenciano. Dito rin ipapakilala ng tandem ng mga promising bagets na sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.

Magagaling silang lahat dito pero natuwa kami para kay Sam dahil bukod sa ipinakita niya rito ang galing sa pagkanta, ang galing din niyang umarte habang kumakanta.

Kapag positive ang box-office results nito, inaasahang dito aalagwa ang career ni Sam at mapapansin na rin dito si Tippy Dos Santos.

PAK: Naawa na kami sa manager nitong mestisong young actor na hindi naman ganun kabongga ang career.

Malaki naman talaga ang paghihirap ng kanyang manager para makilala lang ang tisoy pero ngayon ay parang naiitsa-puwera na siya.

Matatapos na ang kontrata ng young actor sa kanyang manager at parang ayaw na niyang ipa-renew dahil gusto nang ang kanyang mother studio ang hahawak ng kanyang career.

Nung nagsisimula pa lang ito ay lahat inaasa kay manager pero ngayon ay halos hindi man lang niya masagot ang text ng pobreng manager.

Sabi sa amin ng kanyang manager, “Kung talagang tuluyan na akong iiwan ng alaga ko, hihintayin ko na lang ang pagbagsak niya.”

BOOM: Nakikita lang namin sa Instagram ng ilang celebrities na dumalo sa birthday party ni Ogie Alcasid na parang masaya ang lahat sa selebras­yon. Siyempre isa sa birthday wish ng mabait na singer/songwriter ay ang box-office success ng pelikula nilang I Do Bidoo Bidoo.

Pagkatapos ng promo ng kanilang pelikula ay paghahandaan na ni Ogie ang nalalapit na bakasyon nila sa Singapore. Mga third week of September ang kanilang alis dahil tamang-tama ’yun din ang summer vacation nina Sarah at Leila.

Doon na rin makikita ng dalawa niyang anak ang baby brother nilang si Baby Nate, kasama sina Michelle Van Eimereen at ang asawa nitong si Mark Murrow.

Ito na rin bale ang first na out of the country na bakasyon ni Baby Nate na parang kamukhang-kamukha na talaga ni Regine.

Mahigit isang linggo lang sila sa Singapore na magpapasyal dahil dun lang sila madaling puntahan ni Michelle galing Australia.

vuukle comment

BABY NATE

EUGENE DOMINGO

GARY VALENCIANO

I DO BIDOO BIDOO

LANG

MARK MURROW

MICHELLE VAN EIMEREEN

OGIE ALCASID

SAM CONCEPCION

TIPPY DOS SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with