^

PSN Showbiz

Eddie Garcia maayos na ang lagay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Walang dapat ikabahala ang fans ni Eddie Garcia dahil maayos na maayos ang kalusugan niya.

Kumalat kahapon ang balita na may sakit si Papa Eddie kaya may-I-call sa kanya ang isang kaibigan na entertainment writer dahil sa blind item na lumabas dito sa PSN.

Ang sey ng veteran actor, nagkaroon lamang siya ng executive check up kaya hindi dapat mag-alala ang mga supporter niya.

Isa si Papa Eddie sa mga veteran actor na marunong mag-alaga ng katawan kaya kahit 80-plus na ang kanyang edad, matikas na matikas pa rin ang pangangatawan niya. Role model nga si Papa Eddie ng maraming aktor na bilib na bilib sa disiplina niya sa katawan. 

Maraming Pinoy gustong magpasampal para umasenso!

Nakakaloka naman ang nabalitaan ko na maraming Pinoy ang gustong magpasampal dahil na-inspire sila sa magandang nangyari kay Saturnino Fabros, ang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na minura-mura at sinapok ng isang Robert Carabuena.   

Kung anik-anik ang naiisip ng mga kababayan natin na naghahangad ng easy money. Puwede rin daw silang magpasampal dahil nalaman nga nila na nagbigay si Arnell Ignacio at ibang concerned citizens ng P50,000 kay Fabros. Tumanggap din ng bigas at iba pang tulong ang pobreng traffic enforcer na nakunan ng cell phone camera habang inaabuso ni Carabuena.?Gumanda rin ang kanyang bahay at nadagdagan ang mga gamit nilang mag-anak. At na-promote pa siya.

Eh paano kung walang cell phone camera na nakatutok at hindi nailagay sa YouTube ang sampalan portion? Paano na ang fund-raising gimmick na naiisip ng mga Pinoy na ayaw magbanat ng buto at easy money ang gusto? Pero sa abilidad ng mga mautak na Pinoy, siguradong makakahanap sila ng paraan na maging another Fabros.                                                         

Mga sikat na artista nirerekomenda ang I Do…

Malalaman ngayon ang kapalaran ng I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila sa box office. Sa rami ng good reviews sa pelikula ng Studio 5 at Unitel Productions, imposibleng hindi maging blockbuster ang musical film.

Mga sikat na personalidad ang nagrerekomenda na panoorin ang I Do Bidoo Bidoo dahil nag-enjoy sila.?   

Sa rami ng mga nagsasabi na maganda ang pelikula, ewan ko na lang kung hindi pa maengganyo ang movie­goers na tangkilikin ang pelikula nina Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Eugene Domingo.?        

Dr. Vicki parang superwoman

Parang superwoman si Dr. Vicki Belo. Magugulat ka na lang dahil nasa ibang bansa na siya, hitsurang kailan lang kami nagkausap. ?Nakabalik na si Mama Vicki sa Amerika at magkasama na uli sila ni Zsa Zsa Padilla na sumailalim sa kidney surgery noong Lunes.?  

Bago inoperahan si Zsa Zsa, nakadalo pa sila ni Mama Vicki sa White Party. Matatagalan bago uli makadalo ang Divine Diva sa isang party dahil magpapagaling muna siya.?   

Natuloy na ang operasyon ni Zsa Zsa noong Lunes at kabilang ang kanyang anak na si Zia Quizon sa mga matiyagang naghintay na matapos ang procedure sa singer actress.?

James at Zaijian magkamukha na

May mga nakapansin na nagiging magkamukha sina James Blanco at Zaijian Jaranilla.

Madalas na magkasama ang dalawa sa mga eksena ng Lorenzo’s Time kaya magkahawig na sila.

Advantage ang resemblance ng mga hitsura nina James at Zaijian dahil tunay na magkapatid sila sa kuwento ng Lorenzo’s Time pero hindi pa nila alam ang sikreto na mabubunyag sa future episodes ng top-rating show ng ABS-CBN. Malapit sa puso ko ang Lorenzo’s Time dahil kasali rito ang aking dalawang alaga, sina Amy Austria at Alfred Vargas.

The Mistress nagsyu-shooting pa

Hindi pa pala tapos ang The Mistress ng Star Cinema dahil hanggang kahapon, may shoo­t­ing sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Showing sa mga sinehan ang The Mistress sa Sept. 12. May enough time pa ang Star Cinema sa post-production ng kanilang bagong pelikula.

vuukle comment

DAHIL

I DO BIDOO BIDOO

LORENZO

MAMA VICKI

PAPA EDDIE

PINOY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with