^

PSN Showbiz

Angelica at Derek nagplastikan sa kanilang hiwalayan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Tipong may kaplastikan pala ’yung reaksiyon nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay nang unang mabalita ang kanilang paghihiwalay. Maski na nung nagdadadakdak na ang aktres sa Internet kahit wala siyang pinapangalanang tao ay hindi pa rin ito naging dahilan para kalimutan ni Derek ang pagiging maginoo niya at ibalik sa kanyang ex ang mga hindi magandang sinasabi nito sa kanya.

Pero dahil marahil hindi nakamit ni Angel ang inaasahan niyang reaksiyon kung kaya mas naging open na siya ngayon sa naging relasyon nila at ang dahilan ng kanilang separasyon. It’s just a matter of time bago bumigay na rin si Derek. ’Yun ang hintayin natin!

Bea napalaban kay Hilda

Napanood ko ’yung trailer ng The Mistress at talaga namang na-impress ako sa ganda ng pelikula at sa galing ng pag-arte ng nga artistang kasama sa film. Like John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Hilda Koronel, at maging si Ronaldo Valdez.

Hindi na ako magtataka kung bakit inuwian ni Hilda ang pelikula. Alam niyang magiging maganda ang kalalabasan nito at hindi masasayang ang pagod at talento niya.

Pero it is Bea that we should watch here. Muk­hang gugulatin niya tayong lahat. At mukhang dahil na-challenge siya kay Hilda ay mas napagaling pa ang pag-arte niya. Gusto kong mapanood ang movie.

Career nina Zoren at Carmina gaganda pa ’pag ikinasal

Makakaganda sa career nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang balak nilang pagpapakasal.  At least nalaman ng tao na gusto nilang gawing legal ang kanilang pagsasama. I’m sure elated ang mga anak nila.

Sana matuloy ang binabalak nilang wedding da­hil siguradong magiging maganda ito. Maganda naman ang tinatakbo ng pagsasama ng dalawa at anuman ang gawin nilang magkasama, mag-host ng show o gumawa ng komersiyal ay nagagawa nila ng maganda, bumabagay sa kanila. Kita mo na ma­ganda ang samahan ng pamilya nila, hindi put on. Kaya naman tinatangkilik sila.

Maaaring simple lang ang maisip nilang wedding pero marahil ay sa preparasyon lang ito magiging simple, sa kabuuan, it will be a grand affair, a culmination of many years of happily living together.

Go for it, Mina and Zoren!

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

BEA ALONZO

CARMINA VILLARROEL

DEREK

DEREK RAMSAY

HILDA

HILDA KORONEL

LIKE JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with