^

PSN Showbiz

Nakakabilib ang lakas ng loob, Zsa Zsa nagpapasalamat sa mga nagdarasal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Nagpapasalamat si Zsa Zsa Padilla sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Tanggap na ni Zsa Zsa ang pagkakaroon ng Stage 1 kidney cancer pero in denial pa rin siya sa pagkamatay ni Dolphy.

Nakakabilib ang tapang ni Zsa Zsa dahil inamin niya agad sa public ang kanyang sakit. Nag-promi­se si Zsa Zsa na aalagaan ng husto ang sarili pagkatapos ng kanyang operasyon na naka-schedule sa Aug. 27.

Pumutok ang balita tungkol sa sakit ni Zsa Zsa noong ginugunita ang 40th Day ng pagpanaw ni Mang Dolphy.

Kahit alam na niya ang klase ng kanyang sakit, dumalo si Zsa Zsa sa 40th Day Mass para kay Mang Dolphy na ginanap sa isang simbahan sa California, USA. Ang daughter ni Mang Dolphy na si Kit ang nag-organize ng misa na dinaluhan ng ibang mga miyembro ng Quizon Family na naroroon sa Amerika.

Hindi inilihim ni Zsa Zsa ang kanyang sakit at nakatulong ito dahil marami ang nagdarasal na guma­ling siya.

Naiwasan din ang mga speculation tungkol sa kanyang tunay na karamdaman dahil sinabi niya agad sa publiko ang pagkakaroon ng kanser.

In fairness kay Zsa Zsa, hindi siya marunong mag-deny. Inaamin niya agad ang mga isyu na totoo dahil walang dahilan para magsinungaling. Open book naman sa publiko ang buhay ni Zsa Zsa kaya marami ang humahanga sa kanya.

Mga dalawang buwan ang itatagal ng pagbabakasyon ni Zsa Zsa sa showbiz pero depende pa rin sa kanyang resistensiya pagkatapos ng operasyon niya sa Amerika.

Sa kaso ni Zsa Zsa, mukhang magiging mabilis ang kanyang paggaling. Maganda ang pagtanggap niya sa bagong challenge sa kanyang buhay. Ma­lakas din ang suporta at pagmamahal na ibinibigay kay Zsa Zsa ng mga tao sa kanyang paligid.

Jacky Woo malihim sa love life

Naririto sa Pilipinas ang Japanese actor at producer na si Jacky Woo dahil ginagawa niya ang pelikulang Death March.

Umarkila si Papa Jacky ng isang warehouse at dito kinukunan ang mga eksena ng kanyang pelikula.

Big project ang Death March dahil mga popular actor ang co-stars ni Papa Jacky, sina Sid Lucero, Sam Milby, Jason Abalos, Zanjoe Marudo, etc.

Si Adolf B. Alix, Jr. ang direktor ng bagong project ni Papa Jacky na patuloy ang pagtulong sa Philippine movie industry.

No comment si Papa Jacky kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang love life. Very secretive si Papa Jacky kaya walang nakakaalam sa identity ng girl na nagpapasaya sa kanya.

“Scandal” ang consistent na sagot ni Papa Jacky sa tuwing inuusisa ng mga reporter ang kanyang love life. Kontrobersiyal ang ibig sabihin ni Papa kapag sumagot ito ng “scandal.”

vuukle comment

DEATH MARCH

JACKY

JACKY WOO

KANYANG

MANG DOLPHY

PAPA JACKY

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with