^

PSN Showbiz

Nag-usap na raw ang dalawa, fans nina Sarah at Gerald nagluluksa?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Nagluluksa ang ilang fans nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson kahapon. Narinig daw nilang malabo nang matuloy sa seryosohan ang relasyon ng dalawa. Pero ang rason ay hindi malinaw.

May nagsasabing ang kanyang mommy Divine at may nagsasabing nag-usap daw ang dalawa ng masinsinan at sinasabing maghintay na lang sila ng tamang panahon.

Pero ayon naman daw sa isang malapit kay Gerald hindi totoo at in fact sweet-sweetan pa talaga ang dalawa at decided daw ang aktor na ituloy ang panliligaw sa sinasabi ngayong bagong concert queen.

At hindi raw totoo ang kumakalat na isyu na sumuko na ang aktor.

So walang malinaw although parang mas totoo ‘yung pangalawang rason.

Kaloka rin sila. Matapos ang kung anik-anik na ka-sweetan biglang may ganitong issue pala.

The same way na nakakahinayang dahil buong bayan ay kinikilig sa kanila. Wala yatang hindi naaliw sa kanila lalo na nang mag-guest si Gerald sa Sarah G. Live last Sunday.

Kahapon ang birthday ni Sarah pero trabaho pa rin ang inasikaso nito. Ayon sa isang Viva insider, may-commercial shoot ito sa Bangkok, Thailand, kasama ang kanyang mommy. 

Pero kagulo kahapon ang fans ni Sarah sa Twitter sa pagbati sa kanya ng Happy Birthday.

Twenty four na si Sarah at nasa edad na naman talaga para makaranas namang magka-boyfriend. Kelan niya pa kaya susubukan.

Or baka nga tama rin naman ang kanyang mommy na maghintay pa talaga siya.

Mariel namakyaw ng buto ng baka para ipakain kay Robin!

Hindi ba bawal kumain ng karne si Robin Padilla bilang isa siyang Muslim? Eh bakit namili ang misis niyang si Mariel Rodriguez ng bone marrow para gawing bulalo na ikinuwento pa niya sa kanyang twitter account the other day.

“I bought 12 kilos of bone marrow. I will cook bulalo for my babe. Ehhehe 12 kilos para puwedeng magkamali. hehe aussie bone marrow yun ah!?”

So paano na ang Ramadan? Oh baka hindi nga kasama ang karneng baka. At baboy lang ang hindi puwede.

Eh kaso paano kung fasting?

Kinda confusing.

Naalala ko lang dahil nag-dialogue si Kris Aquino kahapon sa programa niyang Kris TV na hindi na siya kakain ng karne bilang leading man niya si Robin sa ginagawa niyang teleserye sa ABS-CBN.

Ayon sa mga nababasa ko, nagsimula na noong Biyernes ang Ramadan.

Aktor in love pa rin sa niligawang aktres na may karelasyon na?!

True kayang hanggang ngayon ay in love pa rin ang isang aktor (1) sa isang actress na niligawan niya noon pero hindi niya napasagot?

Ang siste, may karelasyon na ngayon ang actress, isa ring actor (2).

Actually muntik na raw maging si actress at si aktor 1. Pero natakot si actress sa mga kakampi ni aktor 1 bilang nakakatanggap siya ng mga pagbabanta. Kaya hindi raw nagkatuluyan ang dalawa.

Hanggang ma-in love na si actress sa iba, ‘yun nga si actor 2. Habang si actor 1 ay na-link sa iba pero walang nangyari. ‘Yun daw pala, ang gusto talaga ng actor 1 ay ang actress na karelasyon ngayon ni aktor 2 ayon sa kuwento ng isang source.

Madali lang silang hulaan. Pramis. Hula na. May premyo ang pang 10 na huhula ng tama.

Hahahaha.

‘Birthday photo’ ni Dolphy nagkalat sa social networking sites

Bukod kay Sarah, birthday din kahapon ng namayapang si Comedy King na si Dolphy.

Walang masyadong balita. Pero nag-post si ZsaZsa ng picture ni Tito Dolphy nag nagbo-blow ng candle sa cutie na cake. Kumalat ang nasabing photo sa mga networking sites.

Namatay si Tito Dolphy noong July 10 – 85 years old na sana siya kahapon.

vuukle comment

AKTOR

AYON

COMEDY KING

DOLPHY

HAPPY BIRTHDAY

KRIS AQUINO

MARIEL RODRIGUEZ

PERO

TITO DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with